Apollo Myren above.
-----------------------------------------
(Naya's POV)
Natawa na lang ako sa tanawing nakita ko paglabas ko ng villa namin ngayong umaga pagkagising ko. Talagang ang tatapang nila ah, seryoso ba sila? Talaga bang nakakapaglaro na sila sa dagat at sa buhanginan ng ganito kaaga? Ang lamig pa kaya.
Napailing na lang ako at akmang babalik na sana sa loob ng mapatigil ako sa paglalakad at napaisip. Ano ba Naya? nandito ka para makapag-unwind hindi ba? Hindi ka na nakakapag-isip ng matino kaya relax okay? kahit ngayon lang, don't miss this summer. Wait? What the hell? Bakit kinakausap ko ang sarili ko?
Lumabas na lang ulit ako saka ko inilagay ang camera na dala ako sa triad saka ako kumuha ng litrato. Ako lang ba ang nilalamig dito? Is it the wind or the natural ocean breeze? Ang lamig eh. Bahala na nga, hindi rin naman ako makakaligo mamaya kapag sobrang init na. Hindi kasi ako fan ng mainit na panahon, mas prefer ko ang malamig na klima.
Kaya lang hindi ko alam kung bakit sobrang lamig ng dating ng hangin sa akin dito sa dagat na 'to, ewan. Iniwan ko na lang ang cam ko sa triad saka ako lumakad palapit sa kanila. Maglalakad-lakad na lang muna ako sa dalampasigan hanggang masanay ako sa klima.
"Naya?" Agad akong lumingon kay Simon ng tawagin niya ako pero agad din akong natumba sa tubig at lumubog pagtama ng bola sa muka ko. At agad din akong bumangon at napaubo dahil hindi ko inasahan 'yon.
"Naya? Naya sorry!" Napatayo agad ako sabay ubo saka ako lumayo sa tubig.
"Ang lamig siraulo ba kayo? Ha?" Hiyaw ko sa kanila habang umuubo ako.
"What the hell happened?" Hiyaw ni Eos habang tumatakbo siya papunta sa amin. Agad din kaming napalingon sa kanya maging sa mga kasunod niya.
"Okay ka lang?" Tanong agad ni Eos sa akin saka niya ako dinaluhan.
"Okay ba 'ko sa tingin mo? Ang alat kaya, ang lamig pa. Bwisit!" Hiyaw ko at natawa lang naman sila sa akin, kaya agad ko silang tiningnan ng masama.
Pinagtatawanan pa talaga nila ako? Ayos talaga. Agad din naman akong inabutan ng towel ni ate Selene.
"Nilalamig ka eh naka-sweat shirt ka pa nga dyan." Tiningnan ko ng masama si Simon habang tinutulungan akong magpunas ni Eos.
"Exactly kaya nga ako naka-jacket. At hindi ko pa nakakalimutan na ikaw ang bumato ng bola sa akin Simon!" hiyaw ko sa kanya saka siya agad na natahimik at agad na napakamot ng ulo.
Siya naman ngayon ang pinagtawanan ng mga kasama namin kaya tiningnan ko lang din sila ng masama dahin hindi man lang nila ako tinulungan at tinawanan pa nila ako.
"Halika na." Yaya sa akin ni Eos saka niya ako hinila sa ilalim ng puno di kalayuan sa dalampasigan saka niya ako pinaupo sa kahoy na nakatumba doon.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...