(Naya's POV)
"Naya?" sabay-sabay na tawag sa akin noong mga nasa sala kaya agad akong napatingin sa kanila at napangiti.
"Hi? Don't hug me, masakit ang katawan ko," bati ko sa kanila saka ako nagreklamo na agad din nilang ikinatawa. "Ako na lang ang yayakap sa inyo," I added saka ko sila niyakap.
Hindi ko alam na nandito rin pala silang lahat.
"Okay ka na ba?" sabay-sabay nilang tanong kaya natawa na lang din ako.
"Ako pa ba?" I answered at natawa lang sila sa akin ng sabihin ko iyon.
Nagkwentuhan lang din naman kami habang nagluluto sina Mom hanggang sa mayamaya ay tawagin na nila kami kaya agad din kaming nagpuntahan sa kusina para kumain.
"Naya? Eat this," mayamaya ay sabi ng mama nina Eos saka siya nagabot ng pagkain sa akin pagkatapos akong bigyan ng pagkain ni Mommy.
"Maselan ang tyan niya," sita ni Eos sa Mommy niya kaya tiningnan ko na lang din siya.
"Okay lang po, salamat po," pagpapasalamat ko sa Mommy nila.
Nakakailang lang din na asikasong-asikaso ako ni tita at ni Mom na para akong pinakabata sa lahat, habang nakatingin lang din ang lahat sa amin.
"Sana all na lang po may nagaasikaso ano?" Patutsada ni Simon at Fredrick na agad din naming tinawanan.
"Nyx baby, ito ang sa'yo." Napalingon ako kay Nyx ng tawagin siya ng Daddy niya. Saka ako napangiti dahil ang muka ni Nyx na malungkot kanina ay napalitan ng ngiti at pagkabigla.
"S-salamat Dad," agad na sagot ni Nyx sa Daddy niya.
"Eos anak halika ito ang sa'yo, inunahan na kasi ako ng Daddy mo kay Nyx," sabad ng Mommy nila.
Nakita ko pang parang nahiya si Eos sa ginawa ng mommy niya kaya natawa na lang ako, and he look at me kaya umiwas na lang din agad ako ng tingin sa kanya. Napansin ko rin kasi na inaasikaso rin si Styx at Ate Selene ng parents nila. Nakakatuwa naman sila, maliban sa dalawang Lolo namin na walang ginawa kundi ang maglokohan.
"Eos? Isama kaya natin sila sa loob para ganito palagi kasaya?" I ask Eos na agad na napatingin sa akin ng sabihin ko iyon.
"Puro ka talaga kalokohan, kapag ikinasal na tayo ganito palagi kasaya kaya huwag ka ng magalala dyan. Sige na kumain ka na," Eos said to me saka siya tumayo at saka niya nilagyan ng pagkain ang plato ko dahil katapat ko siya.
Napaismid naman agad si Lolo at Dad sa sinabi niya at natawa na lang ako sa kanila saka ako napaiwas ng tingin. Nakakahiya talaga ang mokong na 'to.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...