(Nyx's POV)
"What if sumama silang lahat? Anong gagawin natin?" kinakabahan kong tanong kay Naya na agad niyang ikinalingon sa akin. "Then?" nagtatakang tanong sa akin ni Naya kaya lalo akong naguluhan sa kanya.
"Anong then? Hindi ka na galit? Okay lang sa'yo na sumama sila?" hindi makapaniwalang balik tanong ko sa kanya.
"Galit ako," simple niyang sagot sa akin. "Oh? Bakit ngayon okay lang sayo na sumama sila?"
She look at me matapos kong itanong iyon, emotions are visible in her eyes pero bigla lang din siyang umiwas ng tingin kalaunan.
Papasikat pa lang ang araw pero nandito na kami sa labas at magkausap. Maaga kaming nagising dahil alam namin na maagang dadating si Joshua kaya sasalubungin namin siya. While Wincess and Apollo are busy on the bonfire, kami naman ay malapit sa dagat at nakaupo sa buhanginan.
"Ilang linggo ko ring sinubukang intindihin ang mga bagay bagay kung bakit ganoon ang mga nangyari Nyx. After all alam naman natin na ginawa lang din nila 'yon para masukol si Second, pero ngayon ayoko ng mag-isip ng dahilan nila kung bakit. Ngayon gusto ko naman silang pakinggan, kahit iyong sasabihin lang ni Joshua para maintindihan ko ng lubos kung bakit ganoon, kung bakit nila nagawa ang mga bagay na 'yon. Siguro naman handa na 'ko, kasi ayoko rin namang masayang ang samahan natin dahil lang sa hindi tayo nagkaintindihan," seryosong sabi ni Naya sa akin and this time bumakas na naman ang lungkot sa kanya.
"Sometimes I felt sad, I'm sad kasi hinahayaan lang nila tayong magalit, na hindi nila pinipilit na magpaliwanag, na wala silang ginagawa para mapatawad natin sila, pero na-realize ko lang din na kilala nila tayo, alam naman nila na hindi tayo makikinig kasi galit tayo. Pero minsan alam mo, naisip ko na ring ilagay ang sarili ko sa katayuan nila noon, what if nagkapalit kami ng sitwasyon ni Eos? Magagalit kaya siya sa akin? Pati ang iba pa? Proud ako sa kanila na nagawa nila 'yon kahit wala ako pero nagalit ako kasi natakot ako Nyx! Takot na takot ako sa mangyayari, takot na takot ako sa mawawala sa akin," dagdag niya na ikinangiti ko na lang din kasi totoo naman ang sinasabi niya.
"Ang sarap mong kasama kapag nagiisip ka, bakasyon grande, naga-unwind ka talaga ng bongga," sagot ko sa kanya na agad niyang ikinatawa.
"Kung ganon ang tawag don? oo na, sige na! Ginawa ko 'yon para makapagisip," she said again kaya natawa na lang akong muli saka ako napatingin sa papasikat pa lang na araw.
"Iyong totoo? Ako ba ang bothered o ikaw?" mayamaya ay sabi ni Naya dahilan para matawa na lang din ako sa sinabi niya. "Si Frion ba?" she ask again kaya napakamot na lang ako ng ulo sa tanong niya.
"Galit ako, Naya. Kaya lang ay tama ka, isa pa ay hindi dapat ngayon tayo nagaaway-away hindi ba? Isa pa ay hindi ko pa rin kasi kayang harapin si Frion. Nakakahiya kaya! What the hell? Imagine me looking so stupid before, tapos malaman-laman ko siya pala iyong gustong ipakasal sa akin? Sinong hindi maco-conscious?" reklamo ko pero tinawanan lang din ako ni Naya ng malakas. Gaga talaga 'to.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...