KILLERS 30

1.9K 40 0
                                    

(Helios's POV)







"Kamusta na si Naya?" Tanong ko sa mga kasamahan namin pagpasok ko sa dorm seven.


Agad din namang napatingin sa akin ang mga nasa loob pero sabay-sabay lang din silang napabuntunghininga.


"Napuruhan talaga siya ng mga 'yon." Sagot sa akin ni Apollo.


Sabay rin kaming pumunta sa clinic ni Ms. Selene at agad akong sumandal sa pader na malapit sa bintana. Nandito rin Joshua sa loob at nasa labas lang naman ang iba, nasalubong ko pa nga sila kanina pagpasok ko dito at kasama nila si Cyan na pabalik naman na sa office niya.


"Kilala talaga nila si Naya." I said that makes Apollo look at me.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, pero nakita at napatunayan ko rin mismo ang bagay na iyon. At kahit na noon ko pa alam na ganoon sila kay Naya ay nangangamba pa rin ako sa asal nila tungkol kay Naya.


"Dahil 'yon sa sangkap ng venom na galing sa kambal, iyon ang pinaniniwalaan ni Naya." Sagot sa akin ni Apollo.


"Pero ---" Napalingon kami ni Apollo kay Joshua ng tumigil siya sa dapat niyang sasabihin. "Pero bakit si Naya lang ang kilala nila? Bakit ikaw, at iyong ibang miyembro ng pamilya niyo at sila Eos bakit parang hindi nila kilala ang mga 'yon?" Pagpapatuloy niya na dahilan para mapaisip din ako.


Tama siya sa sinabi niya, nakakapag-taka nga ang bagay na iyon. Patunay rin doon ang maraming infected na nakaharap ni Apollo at ng ama ni Naya, na hindi naman sila kilala.


"Hindi ko rin alam kung bakit ganoon Joshua." Sagot sa kanya ni Apollo.


"Anumang dahilan kung bakit malalaman din natin 'yon sa darating na panahon." Sabad ko sa kanila saka kami natahimik.


Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay, bukod kasi sa sinabi ni Joshua iniisip ko rin kung ano kayang meron sa south at bakit doon sila palaging nagpupunta?


"Naya?" Napalapit kami kay Naya ng tawagin siya ni Apollo dahil bigla na lang siyang gumalaw, pero hindi siya gising panay lang ang baling ng ulo niya side by side at panay ang sipa niya. "Naya? Insan?" Hiyaw ni Apollo sa kanya para gisingin siya pero hindi man lang siya nagising.


"Bakit? Bakit? Wag --- pakiusap!" Hiyaw ni Naya na halatang nananaginip.


"Naya gising? Naya?" Hiyaw ko rin at niyugyog ko na ang balikat niya para gisingin siya.


"Pakiusap, huwag!" Patuloy niya sa paghiyaw. Bullshit!


"NayaMaine?" Mabilis siyang bumangon sa hiyaw na iyon ni Apollo kasabay ng luha niya na mabilis na tumulo at kasabay ng malakas niyang pagiyak.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon