(Naya's POV)
Matapos naming makausap sina Helios ay tumuloy na kami ni Helena sa lakad namin. Plano ko sana na kausapin sina Cyan kung may kilala rin sila na G11, kaya doon ang sunod naming punta. Pero sa totoo lang ay isinama ko talaga si Helena dahil nagbabakasakali rin ako na baka may kilala siyang G11 student, siya kasi ang tumutulong kila Cyan noong isang araw pa, and I am expecting na baka may kilala siya sa mga bagong estudyante na naririto.
"Just tell me kung may kilala ka ha?" I said to Helena habang naglalakad kaming dalawa.
"Actually meron sana Naya kaya lang nahihiya akong sabihin. Alam mo kasi gusto ko rin sana silang i-recruit sa gang kasama noong mga kaibigan niya, pero alam ko naman na hindi ganoon kadali 'yon. Nagaalala lang kasi ako sa kanila, alam mo sila ang kauna-unahang gangster na nakilala ko bukod sa inyo. At kahit mga bata pa sila alam ko na malalakas sila, sila nga rin ang tumutulong sa akin sa labas lalo na noong isang beses na mapahamak ako. I want to protect them Naya, pero hindi ko alam ang gagawin." pagtatapat sa akin ni Helena kaya natawa na lang din ako sa sinabi niya dahil para bang hiyang-hiya siya.
"Sino ba sila at ilan sila? Saka alam mo naman na si Eos ang nagdedesisyon sa pasasalihin sa gang hindi ba? Subukan mo na lang na kausapin siya. Ang concern ko lang sa ngayon ay ang ilalagay natin dito," Tanong ko agad sa kanya, saka ko siya tinapat. Pero pwede pa rin naman naming tingnan kung pwede sila hindi ba?
"Oo Naya, naiintindihan ko, pero pwede natin silang kausapin kung pwede silang tumakbo as G11 representatives. Lima rin silang magkakaibigan na pumasok dito, kaya pwede siguro tayong mamili sa kanila." Nahihiya niyang sagot sa akin.
"Puntahan natin sila?" Napatingin lang siya sa akin na parang hindi pa makapaniwala kaya natawa na naman ako sa kanya. "Ilang beses mo na ba akong napapatawa ngayon?" Tanong ko kanya pero parang hindi naman niya 'yon inintindi.
"Seryoso ka Naya?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
Kitang-kita ko na masaya siya at hindi makapaniwala kahit pa kakausapin pa lang naman namin sila. Ibang klase talaga siya.
"Muka bang hindi? Bilisan mo na baka magbago pa ang isip ko." Pambabara ko sa kanya, na may halong pangaasar. Loka rin ang isang 'to eh.
"Kyah! Tara na!" Tili niya indikasyon na excited siya at agad niya akong hinila pasakay ng mini bus.
Sinabi niya rin agad sa driver na sa females dorm kami pupunta, at hanggang ngayon ay hindi nawawala ang ngiti sa labi niya, mukang excited na excited siya ah. Natawa na lang din ako sa inasal niya pero tahimik lang din kami papunta sa girls dorm, alam na alam niya rin talaga kung nasaan sila.
Pagdating namin sa mataas na gusali ng females dorm ay agad kaming bumaba at pumasok sa loob. Kumuha lang din kami ng visitors passes sa baba bago kami tuluyang patuluyin ng mga guard, at ng makapasok kami ay tumigil kami sa isang pinto at kumatok si Helena doon.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...