(Naya's POV)
Magtatanong pa sana ako sa kanya kaya lang ay napalingon ako sa mga papasok sa hall at agad din akong natigilan. Hindi lang ako ang ganoon, lahat ay napalingon sa kanila, maging ang mga kasama ko. Pumasok ang isang may edad nang lalaki na nauuna sa kanila at sa likod niya ay mayroon siyang kasamang isang lalaki at babae at sa likuran nila ay may kasunod din silang dalawa pang lalaki.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko lalo na ng unti-unti silang lumalapit sa amin. Agad ding tumayo si Frion at inalalayan niya akong tumayo habang sila Apollo ay parang gulat na gulat din at kusang napatayo. What the hell? kilala ko ang lalaking 'yon, hindi ako pwedeng magkamali, kilala ko ang tindig na 'yon, ang buhok na 'yon.
Yumukod kami pagdaan nila pero hindi ko malimutan ang mga tingin niya at ang kamay niyang naka-intertwine sa babaeng kasama niya. Naupo rin agad sila sa table na katapat namin, and it means they are higher than Levi Organization.
Matapos naming yumukod ay naupo na kaming muli kaya napalingon na lang din ako sa mga kasama kong ramdam kong nakatingin din sa akin. Hindi ako makapaniwala at para bang gustong-gusto kong tanungin sila ngayon mismo, pero pakiramdam ko rin ay hindi na ako makakatagal pa dito. Gusto kong magtanong, gusto ko na siyang tanungin at lapitan ngayon pa lang.
"Alam kong nagtataka kayo, pero huwag kayong magduda, huwag kayong magalit at huwag kayong magtanong sa akin. Let's focus and let's trust them." mayamaya ay bulong ni Frion sa amin.
Kaya ba siya wala ng ilang araw ay dahil kasapi siya sa isang organization at naghahanda sila para sa event na ito? Kaya ba siya wala dahil busy siya sa pagiimbestiga kung nag-iimbestiga nga ba siya? Para naman kasing hindi ganoon ang nakikita ko.
Sino ang babaeng 'yon? Nakahanap na ba siya ng bago habang nag-iimbestiga siya, o baka talagang napilitan lang siya na pakisamahan ako pero iba naman talaga ang gusto niya? Lumabas ba talaga siya para mag-imbestiga o para lang sa babaeng 'yon? Ito ba ang hindi ko alam sa buhay niya sa labas? Isa ba ito sa mga bagay na hindi ko alam sa kanya.
"Uuwi na ko Levion." Mahinang sabi ko kay Frion. Napatingin din naman agad siya sa akin at ang mga kasama namin ay ganoon din. "Nandito na tayo Hera, sasayangin pa ba natin 'to?"
Kinalma ko ang sarili ko dahil sa sinabi ni Frion at agad din akong napatingin kay Helios ng hawakan niya ang kamay ko na nanginginig sa mga oras na 'to. I just look at him saka sa mga kasama ko.
"Trust him, mahal mo siya hindi ba?" Pagpapakalma rin sa akin ni Joshua.
Dapat ba? Dapat ko ba talaga siyang pagkatiwalaan Joshua? Hindi ko rin alam pero parang nahihirapan akong magtiwala sa kanya. At ngayon ko napatunayan na talagang hindi ko pa siya lubusang kilala.
"Saka na natin sila tanungin." Mayamaya ay sabi rin ni Blue.
Hindi ko yata siya kayang tanungin, hindi ko na rin siya kayang makita at lapitan pagkatapos nito. Hindi ko alam, pero para kasing pagdating sa kanya mabilis akong masaktan, bakit kay Frion okay lang ang lahat? Bakit kapag sa kanya masakit sa dibdib?
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...