(Naya's POV)
Ipinaliwanag namin ang lahat kay Wincess at sinabi namin ang lahat ng mga nangyari sa kanya maliban sa isa at 'yon ay ang pagiging antidote carrier namin. Hindi naman namin 'yon pwedeng basta na lang sabihin sa ibang tao, hindi pa sa ngayon.
At sa totoo lang hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa kung anong meron sila ni Cyan, dahil hindi ako naniniwalang basta na lang sila magkatrabaho. May something kasi sa kanila at nararamdaman ko iyon.
"Alam mo tama si Naya eh, kasi kung hindi ang tatay mo ang nagpadala ng sulat na 'yon dapat ang sasabihin doon ay iba, something like kung gusto mong makita ang tatay mo hanapin mo ako, mga ganoong bagay. At marahil noong mga panahong nag-iimbestiga siya malamang ay sa DRU siya dinala ng mga paa niya, at doon niya marahil nalaman ang pangalan ni Naya. Alam niya na rin marahol na doon ang lungga ng mga hayop na 'yon," Apollo agreed to me.
Napalingon naman agad kaming tatlo kay Apollo ng sabihin niya iyon, at agad ding hinipo ni Nyx ang noo at leeg niya.
"Wala ka namang lagnat, anong kinain mo?" Nagtatakang tanong ni Nyx sa kanya.
"Tinutubuan na siya ng utak Nyx," agad kong sagot kay Nyx.
"Grabe naman kayo!" Natawa na lang iyong dalawa kay Apollo dahil sa reaction niya at napangisi na lang ako. Puro talaga sila kalokohan.
"Tama na nga 'yan, alam niyo magsimula na lang tayo, kaylangan na nating hanapin si Second," saway ko sa kanila.
"Huwag kang magalala Naya, hindi na natin hahanapin si Second kahit saan, sigurado ako na nandito lang siya sa Laguna." Napalingon kaming tatlo kay Wincess ng sabihin niya iyon. "Nandito sina White at Black hindi ba? kasamahan sila nina Cyan at Blue, at Hunters sila gaya ng sabi ko. They have connections on Cyan at kung iisipin mong mabuti ano sa palagay mo ang gagawin nila dito? Kilala ko sila, umaalis lang sila ng Manila kapag nakita na nila ang target nila." she added.
Ngumiti siya matapos niyang sabihin iyon. Saka ako agad na napaisip. Amazing! hindi ko naisip 'yon.
"Kung ganoon ang iisipin na lang ay nasaan siya dito?" Nyx then ask.
"Apollo? Kumalap ka ng impormasyon tungkol kay Mr Alonso, kayo na ang magusap ni Wincess sa bagay na 'yan. Nyx? Ikaw ang mag-asikaso ng mga weapons, gadget at sasakyan na gagamitin natin okay?" Agad kong sabi sa kanila.
"Copy," sabay-sabay nilang sagot kaya kumilos na kami.
I will try hacking ate Selene's server dahil for sure ay alam na rin nila ang mga bagay na sinabi ni Wincess. Alam naman namin kung nasaan sila kaya hindi na ako mahihirapan. Kanya-kanya na rin kaming trabaho kaya hindi ko na sila inabala pa, kaylangan ko na rin kasing mapasok ang system ni Ate Selene. Medyo matagal din 'to at matrabaho dahil ipinanganak na may kakambal na computer 'yon si Ate Selene, at alam kong mahihirapan din ako dito.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mistério / SuspenseKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...