KILLERS 9

2.1K 51 0
                                    

(Naya's POV)





"Sorry baby, Did we shock you? Are you scared honey?" Mom said and she kept on asking me pero hindi ako sumasagot.


Pagdating ni Apollo ay pinainom agad ako ni Mom pero nanginginig pa rin ako and I cant even hold the glass to drink.


"Honey? Are you okay? Answer me Naya. Tell me, dadalhin ka na ba namin sa hospital?" alalang-alala ang hitsura ni Mom, at alam kong hindi siya nagbibiro. Alam kong dadahilhin niya ako sa hospital pero hindi ako makasagot.


Hindi man lang ba nila alam na kinabahan ako? na halo-halo ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to? Alalang-alala ako. Kaya pala pakiramdam ko may mali, kaya pala pakiramdam ko may kakaiba and it scares me like hell.


Hindi ko alam kung paanong kusang tumulo ang luha ko hanggang sa naririnig ko na rin ang sarili kong hikbi. Agad din akong yumakap kay Mom and she just me too.


"Its fine, its fine, everything's fine, honey? I'm sorry! It's okay!" Mom said to me saka niya pinahid ang mga luha ko at umiyak na lang ako na parang bata.


Umiyak ako at wala akong pakialam kahit marinig nilang lahat 'yon, dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko. Hindi ko mapigilan.


"It's okay honey, it's okay. It's over, don't overthink now. It's okay," Mom assured me.


I am not a fan of surprises at all, it makes me overthink kapag alam kong may mali sa bawat kwento and it makes me scared like hell. Pakiramdam ko kahit anong klase ng surprise ay nakakatakot iyon, nakakapag-overthink kasi pakiramdam ko katulad lang iyon noong pagkamatay ng kambal.


I even thought no one in our house remembered this day kasi lahat naman sila ay wala. Saka I don't mind also kung walang party or what, ako nga kinalilimutan ko na birthday ko ngayon kasi hindi ko gusto na mag-celebrate. Ayoko ang mga ganoong bagay. Simula ng mawala ang kambal ayoko na ang ganoong mga bagay.


Isinama na lang din naman ako ni Mommy sa isang private room at hinayaan na lang sila na mag-celebrate doon, and I just cuddled Mom hanggang sa alam ko na kalmado na ako.


"Did we scare you?" Mom asks me.


"Mom, you knew I am not a fan of surprises." Tanging sagot ko sa kanya.


"We're very sorry honey. It's just that we don't wanna waste their efforts, it's Eos's and the gang's effort. We warned them, kaya lang nakakaawa rin naman sila." Mahabang paliwanag ni Mom sa akin.


"Pwede naman nilang sabihin na lang, kahit hindi na surprise huwag lang ganito. Mom! They even use Victoria for fvcks sake na alam naman dapat nila na hindi ginagawang joke 'yon," Inis kong reklamo kay Mom.


"Hindi ka rin naman sasama. I knew you, ganoon din 'yon anak, sayang pa rin ang effort nila. Huwag kang mag-alala pagsasabihan ko sila," Mom answered.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon