(Naya's POV)
As we started taking our positions as SSC Officers, as of the moment ay wala pa naman kaming nakukuhang reports na medyo malala o makakatulong sa amin sa kaso ng venom x. Madalas mga simpleng paglabag lang sa rules ang mga natatanggap namin o simpleng away.
At dahil every morning ang klase namin, every afternoon naman ay nasa office kaming lahat. At sa office namin ay si Joshua ang madalas kong kasama. Sa ngayon masasabi ko ring mas okay ako kaysa noong mga nakaraang araw, ngayon kasi ay naida-divert ko na ang atensyon ko sa ibang bagay.
Napatingin kami ni Joshua sa pinto ng may tatlong mahihinang katok kaming narinig bago bumukas ng dahan-dahan ang pinto, iniluwa nito ang isang babaeng sa palagay koy G11 ICT student.
"Huwag kang mahiya, tuloy ka." Bungad ni Joshua sa kanya na nakangiti.
Simula rin ng magbukas kami ay may mga reports rin kaming nakukuha na puro pagtatapat lang ng feelings kay Joshua, mas marami nga iyon kaysa sa mga totoong kaso. Sabagay, sa gwapo ba naman niya.
Nahihiyang naupo ang babae sa upuan na katapat ng table ni Joshua, kaya hinayaan ko na rin sila. Siya kasi ang tumatanggap ng reklamo at reports tapos pinare-review niya na lang ang mga iyon sa akin, saka ko naman dinadala sa taas kapag kaylangan ng consent nila.
"Ano bang maitutulong namin?" Pinabayaan ko na lang din naman si Joshua na kausapin ang estudyandeng iyon, dahil baka mamaya ay magtatapat lang din siya ng feelings kay Joshua at itinuloy ko na lang din ang ginagawa ko.
"Hindi ko po kasi alam ang gagawin kaya lumapit na ko sa inyo, meron po kasi kaming dorm mate na nawawala." Automatic na napatunghay ako dahil sa sinabi niya saka ako napatingin sa kanila.
Bago 'to sa pandinig ko. Walang ganitong klase ng report maliban na lang ngayong araw.
"Sa totoo lang po ay nawala po siya noong 11:11, kasama namin siya noon tapos bigla na lang siyang nawala sa tabi namin. Ang akala po namin ay napahiwalay lang siya sa amin kaya ipinagpatuloy lang namin ang laban hanggang matapos ang 11:11. Kaya lang po hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik sa dorm namin. Nag-aalala na po ako sa kanya, no killing policy naman po 'di ba? Natatakot din kaming mag-report sa guards kaya sa inyo na ako lumapit."
Napalingon sa akin si Joshua, kaya lumapit na agad ako sa kanila. Ilang araw na ang nakalilipas, kung buhay pa siya o nandito pa siya ay dapat nakita na siya sa mga oras na 'to. Pero bakit hindi siya makita? Bakit hindi siya bumabalik sa dorm anong dahilan?
"Kaibigan mo ba siya? May kilala ka bang ibang kaibigan niya dito?" Agad kong tanong sa kanya.
"Magkakaibigan kaming lima at magkaka-dorm, wala rin kaming kakilala dito maliban sa isat-isa, kaya nga hindi kami naghiwa-hiwalay noong 11:11." Nagkatinginan ulit kami ni Joshua dahil sa sagot niya sa akin bago ako tumayo sa kinauupuan ko.
"Have you tried calling her?" I ask saka ako mas lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...