KILLERS 24

1.7K 41 1
                                    

(Apollo's POV)





Nagkakasiyahan na sa hideout namin matapos naming maghanda at magluto ayon na rin kay Cyan. Narito ang lahat maging sin Helios ang kaibahan lang ay wala ang mga newbie ng Viper gang.


Nakakatawa lang ding isipin na iba talaga kapag impluwensya ni Naya, isang sabi niya lang sinusunod agad nila. Ang lakas talaga ng insan ko sa kanila. Sabagay Insan ko 'yan eh.


"Kain lang kayo." Yaya ko sa grupo nina Helios habang tinutulungan namin nila Fredrick, Frion at Simon ang mga girls sa paghahanda ng pagkain.


Si Naya at Eos na lang ang wala dito ngayon pero alam naman namin na naglilibot sila.


"Nasaan na ba 'yong dalawa? Bakit ba ang tagal nila?" Mayamaya ay tanong ni Nyx sa amin.


"Hayaan mo muna sila Nyx. Alam mo ikaw talaga hindi ka makaramdam. Mamaya nasaktan pa si Naya doon sa sinabi niyo," sita ko sa kanya.


"Hoy Apollo, nagkakainan at nagkakasiyahan na tayo tapos wala pa sila? Aba ayos lang ba 'yon? Syempre hindi. Saka hindi naman siguro iisipin ni Naya ang sinabi mo ano." Sagot naman ni Nyx sa akin.


"Kainan na!" mayamaya ay sabay na hiyaw noong dalawa pagpasok nila sa hideout kaya nagkatinginan kami pagkatapos namin silang tingnan sabay tawa.


"Oh? Okay ka na ba Nyx?" Sabi ko kay Nyx na ikina-roll eyes niya lang pero natawa lang din siya kalaunan.


"Halika na Naya, kumain ka na." Yaya ni Eos kay Naya at binigyan niya pa ng pagkain si insan habang tuloy ang kasiyahan noong iba pa.


"Ang tagal niyo." Reklamo sa kanila ni Styx.


"Naglibot kami, its the president duty." Sagot ni Eos sa kanya.


"Sinundan mo lang ako, ang kapal ah!" Singhal ni Naya kay Eos na agad naming tinawanan.


Napasimangot din naman agad si Eos dahil doon.


"Ang sabi kasi nila Naya, kapag may mahal ka sundan mo, kapag may pangarap ka abutin mo. So masama bang sundan kita eh ikaw lang naman ang mahal at pangarap ko?" Hirit ni Eos kay Naya na tinawanan lang namin.


"Muka mo! Ako ba tinanong mo kung gusto kong sundan mo 'ko?" Pambabara ni Naya sa kanya at binato ni Naya si Eos ng spaghetti na agad na ikinagulat ni Eos.


Dahil doon ay nagtawanan na lang kami sa gulat habang tawa ng tawa si Naya.


"Bakit hindi ka umilag?" Naya ask hilariously laughing.


"Ah ganon?" Eos said to her.


Agad na umilag si Naya ng batuhin din siya ni Eos ng hawak niyang pagkain at nagkabatuhan na dahil nandamay pa 'yong dalawa. Nakisali na rin naman kami sa kanila dahil binabato na rin nila kami. Damay-damay na 'to.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon