KILLERS 16

1.8K 45 2
                                    

(Apollo's POV)







"Saan ka galing?" Bungad ko kay Naya pagpasok niya sa bahay na kasunod din si Frion.


"Dumalaw kami sa DRU." agad na sagot ni Frion habang tahimik lang naman si Naya.


"Bakit pa? Anong sense eh papasok na rin naman tayo? Maghapon kaming naghahanap sa'yo Naya." baling ko kay Naya.


"Tama na 'yan ang importante nandito na sila" Fredrick said to me, kaya napabuntunghininga lang din ako.


Maghapon na lang kaming naghanap sa kanila, hindi rin namin sila ma-contact.


"Mauuna na kami, sasabihan na rin namin 'yong iba na nandito na sila" Dagdag ni Fredrick kaya tumango na lang ako sa kanya.


"Sige Fredrick." Sagot ko sa kanya saka kami tumayo, ihahatid ko na lang sila sa pinto.


"Bukas babalik na ako sa school, mauuna na ako sa inyo." Naya said to Fredrick na napatingin lang din agad sa kanya.


Pagkatapos noon ay hindi na siya nagsalita pa at umakyat agad siya sa kwarto niya so we all look at Frion na bigla namang nagtaas ng kamay.


"Wala akong alam kung bakit sinamahan ko lang naman siya." Pagtatanggol agad ni Frion sa sarili niya.


"Bakit hindi mo sinabi na magkasama kayo? Text kami ng text sa'yo." Tanong ko agad sa kanya na may kasamang singhal.


"Busy kami sa kalilinis sa dorm at sa hideout, okay? Hindi kami nagliwaliw. Okay kami doon, ask ate Ezra kasama namin siya." agad na sagot ni Frion pero nananatiling masama ang tingin ko sa kanya.


Kung may nangyaring masama kay Naya siguradong siya ang sasabunin ko. Malilintikan ka talaga sa aking Frion ka. Pero sabagay kahit naman malintikan sa akin si Frion kung si Naya ang may gusto noon wala naman akong magagawa. Baka nga napilitan lang si Frion na samahan si Naya.


"Aalis na kami." Pagpapalam muli ni Fredrick kaya tumango na lang ako sa kanya.


"Ako rin baka madamay pa 'ko dito eh." Nagmamadaling sumunod si Frion sa kanila pagkasabi niya noon at sabay-sabay na silang umalis.


Naiwan naman kami nila Tita dito sa sala kaya napabuntunghininga na lang din ako.


"Frustrated marahil 'yon dahil sa mga nangyayari. Hayaan na natin ang bata," Mom said to us na halata rin namang nagaalala rin kay Naya.


"Baka nga Mom, palagi rin naman siyang nagaalala sa mga bagay bagay kahit hindi niya sabihin. Kaya baka nga ganoon din siya ngayon." Sagot ko sa kanila.


"Magpahinga na tayo, lalo ka na apo aalis na daw kayo bukas hindi ba? Hayaan na lang muna natin siya." Dada said kaya tumango na lang din ako sa kanya.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon