KILLERS 2

3.2K 71 12
                                    

(Naya's POV)





I just wear a plain shirt and a tattered pants dahil tinatamad talaga akong magisip ngayon at kasali doon ang pagpili ng kung anong susuutin ko kaya nauwi na lang ako sa ganitong damit.


Kumuha na lang din ako ng ilang damit dahil ang usapan namin ni Nyx ay mga one week lang kami doon. Ang tagal ano? Makakayanan ko kayang kasama ang maingay na 'yon ng one week? Sabagay depende pa naman 'yon sa mood naming dalawa, pero mas okay na rin naman 'yon kaysa naman wala akong libreng bakasyon.


Kaylangan ko lang din na gawin 'to para makapag-focus muli ako sa ilang mga bagay ukol sa issue na kinakaharap namin. I just needed to clear my mind para naman handa ako sa mga biglaang pangyayari.


"I'm here na!" Sinapok ko agad si Apollo pagsigaw niya ng lapitan niya ako sa sala habang hinihintay ko si Nyx na dumating. Ang sakit sa tenga, what the hell?


"Manok ka ba? Ang ingay ingay mo talaga!" Hiyaw ko sa kanya saka ko siya sinamaan ng tingin.


"Aray naman beh!" Inambahan ko siya ng suntok dahil sa reklamo niya at napataas naman agad siya ng kamay, kaya bumagsak agad ang dala-dala niya saka ko lang napansin kung ano ang mga iyon.


Napatigil ako at tiningnan ko agad siya ng masama. Bakit kaya andito 'to at may dalang maleta? Dito na ba siya titira? Imposible naman yata 'yon, alam naman ni Dad na ayaw ko sa kaingayan niyan.


"Did Nyx tell you?" Tumango lang siya sa tanong ko at napa-face palm naman kaagad ako.


"Sasama ka o uupakan ----" Napatigil ako sa pagbabanta kay Apollo ng may magsigawan din sa labas ng bahay namin kaya agad akong napalingon sa pinto.


"Nandito na kame!" Sunod-sunod naman na pumasok sina Cielo, Helena, Fredrick, Simon at Frion na parang tuwang-tuwa pa at todo pakita pa ng mga attire nila sa akin.


Tiningnan ko lang din naman agad sila ng masama dahil ang iingay nila. Saka pati ba sila ay sasama? Siraulo rin talaga ang babaeng 'yon kahit kaylan.


Mayamaya naman ay may bumusina na sa labas. Malamang si Nyx na 'yon at malamang ay marami rin siyang alipores na kasama. Hindi talaga maaasahan ang gaga na 'yon sa mga ganitong bagay. Ang sabi ko sa kanya gusto ko kami lang dahil gusto kong ma-relax. Hindi naman ako na-inform na stress naman pala ang balak ibigay na bakasyon ng Nyx na 'yon sa'kin. Ibang klase talaga.


"Aalis na ba kayo?" Mayamaya ay tanong ni Manang sa amin.


"Yes manang, nagpaalam na rin kami," sagot agad ni Apollo sa mayordoma namin saka sila naunang lumabas ng bahay.


Ito talagang si Apollo minsan hindi ko maintindihan kung kulang-kulang ba o kulang lang sa pansin, ako ang tinatanong siya naman ang sumasagot. Tsk. Hindi na lang din naman ako nagsalita at kinuha ko na lang din ang bag ko saka ako lumakad palabas kasunod nila.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon