(Naya's POV)
Hinayaan namin silang maka-pwesto bago kami pumwesto di kalayuan sa kanila. Si Wincess naman ang bahala sa surveilance namin, pero mananatili pa rin kami sa van at mamaya pa kami bababa. Pinanonood lang din muna namin ang movement ng mga tao sa loob at pati na rin ni second, maging ang mga kasama namin. Marahil ay mga alas dose ng gabi nila papasukin ang bakuran ni second.
"Nagsimula na sila," Wincess said to us.
Mayamaya ay nakita naming may dalawa sa kanila ang umakyat na sa bakod, sa pigura nila nahahalata mo na sila ay babae. Balot na balot din sila na tulad ng mga tauhan ni second kaya hindi mo aakalain na hindi sila kabilang sa mga tauhan niya.
Hanggang sa mayamaya ay may sumunod na agad na dalawa, and I guess its Cyan and Blue. Sa height ko na lang din sila tinitingnan, dahil mahirap silang makilala dahil sa mga suot nila. Sa kanang lawn ang diretso noong dalawang babae at sa kaliwa iyong dalawang lalake. Hindi ko alam kung anong laman noong mga syringe na ibinala nila pambaril sa mga aso, pero parang pampatulog ang mga 'yon.
Ilang minuto lang ang pagitan ay may dalawang lalaki na naman ang umakyat, maybe its Hercules and Frion. Saan kaya dadaan sina Eos?
"Back lawn clear," mayamaya ay dinig naming sabi nina Venus.
Pagkatapos ay umakyat na rin ang dalawang nahuhuling lalaki, its Eos and Styx.
"Veil? Venus? on your spot," ate Selene said to them.
"Copy!" Sagot noong dalawa at agad na silang umakyat sa puno at doon pumwesto.
Pero mayamaya ay may bigla na lang ding sumabog dahilan para agad kaming magkatinginan.
"Sinong nagpasabog?" Gulat na gulat na tanong ni ate Selene. "Hindi kami nagpapasabog." agad na sagot ni Styx sa kanya. bullshit!
Dahil doon ay nagkagulo agad ang mga bantay at si Second agad ang inasikaso nila, ganoon din sina Eos. Nag-drive na rin agad si Apollo para makalapit kami sa mismong bahay nila, at pagtigil niya ay saka ako tumango sa mga kasama ko.
"Help the others, si Eos at Styx ang susundan ko," bilin ko kay Apollo at Nyx.
"Sinundan nina Eos si Second," Wincess said to me. "Copy!" Sagot ko sa kanya saka ako naghanda.
Sabay-sabay rin kaming lumabas ng van at tumakbo papunta sa kanya-kanya naming pakay. Malayo pa ang pwesto namin sa mismong bahay, pero sapat na para masiguro naming okay si Wincess.
At kahit malayo pa kami ay naririnig na namin na nagkakabakbakan na sa loob, dinig na dinig ko na ang putok ng mga baril at hiyaw ng mga tao sa loob.
"Tumatakas si second!" Dinig kong hiyaw ni ate Selene sa mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...