(Eos's POV)
May mga namatay at may mga sugatan dahil sa nakaraang 11:11. At alam namin na dahil iyon sa pagsabog, ilan nga din sa mga kasamahan namin at nila Helios ang nasugatan pero hindi naman malala.
Sa ngayon ay naghahanda na kami sa paglabas namin. Ngayon na kasi ang araw na 'yon at kaylangan din naming ituloy ang pagalis namin kahit na anong mangyari.
"Kuya? Sumama na lang kaya ako?" Pangungulit sa akin ni Nyx habang naghahanda kami sa pagalis namin.
"Huwag na, kasama ko si Styx at Frion." Tanging sagot ko sa kanya.
"Wait? Bakit si Frion? G*g* ka ba kuya?" Bulyaw niya sa akin pero hindi ko na iyon pinansin.
Hindi niya pa rin alam kung anong pagkatao ni Frion pero hindi ako nagabala na sabihin sa kanya iyon. Alam ko naman na malalaman niya rin ang lahat. Hindi na rin ako muling nagsalita at natahimik na siya marahil ng mapansin niya na wala na akong balak na magsalita.
Pagkatapos kong ayusin ang ilan kong gamit ay bumaba na rin agad ako. Nasa sala naman ang lahat pagbaba namin, maliban kay Naya ko, nasaan kaya 'yon? Pero mabuti na rin siguro 'to, mabuti ng wala siya dito, baka kasi mapigilan niya ako sa pagalis. Kaylangan ko 'tong gawin kaya hindi ako pwedeng pigilan ninuman.
"Babalik din kami, mag-iingat kayo." Pagpapaalam ko sa kanila.
"Kayo ang mag-ingat tol." Ivan said kaya hindi na ako nagsalita.
Nag-paalam na lang din akong muli sa sa kanila saka ako lumabas, paglabas ko naman ay naroon na si Frion at Styx, naroon din si Cyan at kasama nila si Joshua at Naya.
"Tara na?" Yaya ni Styx sa akin but I just look at Naya.
"Mag-iingat kayo, babalikan niyo pa kami hindi ba?" Pinaningkitan ako ni Naya ng mata pagkasabi niya noon kaya natawa na lang ako sa kanya.
"Sila ang dapat mag-ingat sa amin hindi ba?" Tiningnan niya ako ng masama pagkasabi ko noon kaya natawa na lang ako sa inasal niya.
Mabilis ko rin siyang hinila palapit sa akin at niyakap ko siya na hindi naman niya tinutulan. Tahimik siya at ganoon din ang mga kasama namin kaya niyakap ko na lang din siya. Naya ko? Para sa'yo at para sa lahat ang gagawin namin na ito. Hintayin mo sana kami, at sana mag-ingat ka palagi.
Matagal ko siyang yakap at nauna na ring lumabas ang iba naming kasama so I kiss her forehead bago ako ngumiti sa kanya saka ako sumunod kila Styx. Naiwan naman na sila doong tatlo and we just leave.
(Naya's POV)
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...