KILLERS 52

8 0 0
                                    

(Frion's POV)






"Naya is here, kasama niya si Apollo at Nyx, saka may isa pang babae," bungad ni Helios sa amin pagpasok niya dito sa interrogation room kung saan pinanonood namin si Second sa loob ng isa pang kwarto kasama ang papa ni Naya.


Nagkatinginan din kaming lahat na naririto dahil sa sinabi niya, hanggang sa mayamaya ay pumasok na sina Nyx at Apollo kasunod si Naya at ang babaeng sinasabi niya.


"Wincess?" React nila Cyan pero hindi man lang sila pinansin ni sinulyapan noong babaeng tinawag nila.


Kahit nga sila Naya ay hindi kami pinansin, at dumiretso lang sila sa loob ng interrogation room habang sina Cyan, Blue, Black at White ay naiwang tulala. Pumasok na lang din agad kami kasunod nila Naya sa loob.


Pagpasok namin, nakakabigla na bigla na lang ding gumalaw si second at tumingin kay Naya. Kanina ay hindi siya gumagalaw at hindi siya nagsasalita magmula pa noong mahuli siya hanggang ngayon.


"NayaMaine Myren!" Bati ni Mr. Alonzo kay Naya.


"Alonso!" Bati rin ni Naya sa kanya.


Lahat naman kami ay pumasok dito sa loob, pero parang si Naya lang ang nakikita niya.


"Hindi ka nagbago, maganda ka pa rin," walang emosyon si Mr. Alonzo at malamig din ang tono ng pananalita niya.


"Mali ka, nagbago na ako Alonzo, kung dati ay lampa ako ngayon ay hindi na." Sagot agad ni Naya sa kanya.


"Kung nakinig lang si first sa banta ng kambal na Myren sa kanya, 'di sana buhay pa siya, 'di sana ay malaya pa rin ako ngayon. Nakakatawa mang isipin, pero tama nga ang kambal. Ikaw lang ang tatalo sa amin, kayo pa na mga bata lang naman kung tutuusin," natawa siya matapos niyang sabihin iyon, habang casual na casual siya at kalmadong kalmado. "Alam kong alam niyo na ang lahat, hinihintay niyo rin akong magsalita alam ko iyon pero wala naman akong masyadong sasabihin. Ngunit bago ako mamatay sasabihin ko muna kung nasaan si third."


Its confirmed base sa mga sinabi niya ay siya na nga si second, at sa bibig na niya nanggaling ang mga bagay na iyon. Hindi man niya direktang kinumpirma, but he's pointing the same.


"I'll give you a clue, nasa mundo si third na kung saan lahat ng imposibleng mahanap ay mahahanap niya," he added.


Tahimik lang naman si Naya at nakatingin lang sila sa isat-isa.


"Pinatay ba talaga ni Victoria ang kambal?" Mayamaya ay muling tanong ni Naya sa kanya. "Narooon ako, nakita ko ang lahat," casual na sagot ni Mr Alonzo.


"Ikaw ba talaga ang kumidnap sa akin noon?" muling tanong ni Naya kay second na agad kong ikinalingon sa mga kasama ko.


Si Mr. Alonzo ang kumidnap sa kanya noon? Tama ba ang hinala ni Naya?


Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon