KILLERS 15

1.9K 52 3
                                    

(Naya's POV)






I hurriedly clean my wound saka ako lumabas muli ng sala pagbalik ko ng condo ko. Nakakabadtrip talaga! Wala man lang akong makuhang impormasyon. Nasusugatan lang ako sa mga walang kwentang lakad na 'yan pero wala akong napapala. Hindi maganda 'to, dapat ay masiguro ko na may makukuha na ako sa susunod kong lakad.


Napalingon ako sa cellphone ko ng tumunog iyon habang nasa coffee table sa sala. Sino naman kaya ang tumatawag na ito? Dinampot ko agad iyon saka ko sinagot ang tawag.


"Hello? "Nasaan ka?" Bungad sa akin ng tumawag kaya agad akong napatingin muli sa screen ng cellphone ko, si Frion nga ang tumawag, himala.


"Naglilibang lang." Sagot ko sa kanya.


"We need to talk." He then said na ikinakunot agad ng noo ko, naguusap na kami hindi ba? "About what?" Takang tanong ko sa kanya.


"Its a serious matter." Natahimik naman agad ako sa serious matter na sinabi niya, at lalong nangunot ang noo ko. Bukod doon ay kinabahan agad ako sa hindi ko malamang dahilan. Is this about Second?


"I'll text you the address kung saan ka pupunta." Sagot ko sa kanya. "Okay!"


I ended the call and text him the address saka ko inayos ang mga bagay na hindi niya dapat makita. Nagluto na rin ako ng makakain namin na saktong-sakto naman na tapos na pagdating niya.


"Naya?" Nilingon ko siya pagpasok niya sa unit na 'to. May mga dala din siya na ibinaba niya sa mesa dito sa kusina and I just let him sit down. Pumasok na pala siya ng hindi ko man lang namamalayan.


"Kaninong penthouse 'to?" Tanong agad niya sa akin na marahil ay nagtataka din. "Sa kambal, and don't you dare tell them na nagpupunta ako dito, hindi nila alam." Banta ko sa kanya na agad na ikinalaki ng mga mata niya.


"R-relax! Oo na! Easy!" Tinulungan ko na lang siya na iayos ang mga dala niya, dahil tapos na rin naman akong magluto.


"Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya na agad naman niyang ikinatigil sa ginagawa niya.


"Mukang may clue na ako kung nasaan si second." Natahimik ako at napatingin lang ako sa kanya habang nakatitig lang di siya sa akin.


Iyon ba ang dahilan kung bakit lagi rin siyang wala? Bukod kila Eos siya lang ang laging wala samantalang sila Apollo at iyong iba pa ay laging magkakasama.


"Nagi-imbestiga ka pala." I said. "Oo Naya, simula ng malaman ko ang lahat hindi na rin ako napakali. Saka hindi lang naman kapatid mo ang ipinaghihiganti natin hindi ba? Pati na rin ang kapatid ko kaya dapat din akong kumilos. Hindi kami pareho ng ina ng kapatid ko pero magkapatid kami at kahit kaylan ay hindi namin itinuring ang isat-isa na iba, kaya igaganti ko rin siya katulad mo kasama ng mga kaibigan natin." Kwento ni Frion na ngayon ko lang nalaman mula sa kanya. "At alam mo sa pagiimbestiga ko ay napag-alaman ko na maaaring nasa killers ground si second." Dagdag niya na ikinakunot ng noo ko.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon