KILLERS 13

2.1K 53 3
                                    

(Naya's POV)






Maaga kaming umuwi sa bahay para mas makapag-pahinga pa ng maayos, at umuwi na rin naman ang iba pa. Sina Eos naman ay umalis na rin paggising ko, saka kami umuwi sa bahay namin. Ang aga nga rin nila, malayo siguro ang byahe.


Sa ngayon ay wala na akong problema sa school kaya sigurro ay gagawin ko na lang ang ibang bagay na kaylangan kong gawin bago pumasok. Actually school opening na lang din ang hinihintay naming lahat, kaya susulitin ko na lang ang nalalabing oras ko dito sa labas sa pagi-imbestiga.


"What is this all about?" agad na tanong ni Helios sa amin pagpasok nila sa bahay habang nandito kaming lahat sa sala.


Nandito na pala sila. Siguro mga puyat pa sila, pinabalik din kasi agad sila ni Dad para makausap namin sila.


"Pumasok ka muna Helios." Sagot ni Apollo kaya agad siyang sinamahan ni Apollo sa conference room saka lang ako sumunod.


"Eos, Nyx, and Styx leave and even Ate Selene, kaya kayo na lang ang ipinatawag namin para sa meeting na 'to. At alam na rin naman nila ang tungkol dito kaya kayo na lang ang kaylangan naming makausap." Panimula ko sa meeting.


Nakaupo kami pareho sa center seat ni Dad at nasa gilid namin sina Apollo, Helios, Fredrick, Marielle, Simon, Frion, Cielo, Helena, Romer, Ivan, Joshua, Cyan at Blue.


"Pinatawag namin kayo para hingin pa rin ang inyong tulong ukol pa rin sa kaso ng Venom X."


Tahimik lang sila habang nakikinig sa sinasabi ni Dad. At sa palagay ko ay tamang-tama lang ang meeting na ito para malaman na nila ang totoo, after all hindi dapat kami magpaka-kampante ngayong alam naman namin na mayroon pang anim na taong sangkot sa bagay na 'yon.


"We need your help para mahanap natin ang next target, and that is second." Pagpapatuloy ni Dad.


"Second?" We all look at Helios ng sabihin niya iyon. Nagtataka din siya katulad namin noong una naming malaman ang lahat.


"Lingid sa ating kaalaman, hindi lang isa kundi pito ang ulo sa likod ng Venom X na 'yon and the first head was Victoria who's known in the codename First. She died noong nasa America kami kaya agad din kaming umuwi, to warn you. At sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi namin alam kung paano siya namatay. Maybe she was killed or what, but before that happened she confessed that there are another 6 people who was also involved on this issue." Mahaba kong paliwanag sa kanila.


"But what if niloloko ka lang niya? Is there any basis na may iba pang kasabwat? What if sinabi niya lang 'yon para hindi tayo matahimik?" Sunod-sunod na sabi ni Helios na tama naman. Naisip ko na rin naman ang mga bagay na 'yon. I doubt everything she said so many times already.


"Malalaman naman natin kung nagsasabi siya ng totoo o hindi later on, and besides hindi mawawala ang kasabwat sa ganitong usapin Helios. Malaki ito, hindi ito simple lang and yet nasukol natin si Victoria ng ganoon na lang? Hindi ba nakakapagtaka 'yon? Maybe we don't know kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi, pero siguro dapat pa rin tayong maghanda. Just in case na mayroon ngang anim pang tao sa likod ng Venom x, siguro pwede nating isipin na lang na if someone attack us she's telling the truth but if no one did that, she lied." Mahaba ko ring sagot sa kanya.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon