KILLERS 5

2.6K 69 4
                                    

Fredrick Rivera above.

----------------------





(Naya's POV)



Napakunot na lang din ang noo ko ng mapansin kong may kakaiba sa mga kasama ko, si Helena kasi ay busy sa pakikipagusap kay Fredrick, si Cielo ay nakikipag-bugbugan na naman kay Simon, si Ate Selene at Romer ay parang busy rin sa sarili nilang pinaguusapan, at ganoon din si Ate Ezra at Styx, maging si Ivan at Marielle, si Frion naman ay kausap din si Nyx, si Apollo nga ay lumapit na sa amin ni Eos na parehong tahimik lang. Napansin niya rin siguro ang pagkakaiba.


Si Helena at Cielo kasi noon ay hindi mo mapaghihiwalay basta basta, isama pa si Nyx pero tingnan mo naman ngayon. Ganoon din naman si Fredrick at Simon palagi silang magkasama pero ngayon iba ang kausap nila, ang weird lang noon ko pa 'yan nahahalata sa kanila.


"Naya totoo ba na nandon ka sa school noong graduation namin?" Mayamaya ay tanong ni Fredrick kaya natawa na lang din ako.


"Oo nga 'di ba? Nakita niyo ako no'n, lasing lang talaga kayo," sagot ko at agad din siyang napaisip sa sinabi ko.


"Hindi ako naniniwala, hindi ka nagpakita sa amin noon," he said again. Nag-roll eyes pa siya sabay flip hair ng sabihin niya 'yon kaya nagtawanan kaming lahat dahil doon.


"Kadiri ka buddy! Ibig sabihin ba nyan ay bakla ka na noon pa? At pinagnanasahan mo na ako noon pa man?" Hiyaw ni Simon kay Fredrick na lalo naming ikinatawa.


"Wah! Betsin kita bweshywaps! Mwah!" Nagpa-cute pa si Fredrick pagkatapos niyang tumili sabay kiss sa hangin at sabay kindat. Nanlaki naman agad ang mata ko sa ginawa niya at tinawanan lang ako ni Eos na katabi ko dahil sa reaction ko.


"Ew!" Reklamo ko sa kanya na sinabayan din ng iba pa.


"Yuck, kadiri!"


"Kadiri!"


"Langya!"


Napuno ng tawanan at ingay ang paglalakad namin dahil kay Fredrick na puro kalokohan. What the hell? Bagay nga sila ni Apollo na magsama.


"Tahimik." Tumahimik bigla sila dahil sa sinabi ni Eos na agad kong ikinalingon sa kanya, seryosong-seryoso siya at parang may pinakikinggan. Hanggang sa mayamaya ay hinila niya agad ako palapit sa kanya.


"B-bakit kuya?" Kinakabahan ding tanong ni Nyx sa kanya.


"Take cover." Utos ni Eos sa amin kaya sumunod na lang din ako at hinila ko rin si Apollo para magtago ng hilahin niya akong bigla para magtago sa mga puno at damo.


"Nawala? Nasaan na ang mga 'yon?" Mayamaya ay dinig naming sabi ng kung sino.


Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon