KILLERS 10

2.1K 57 2
                                    

(Naya's POV)





Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga ko sa Mat ng ma-realise kong nagaagaw dilim at liwanag na, pero napatitig lang din agad ako sa mga kasama kong abala sa kani-kanilang pagiihaw sa bonfire na sinindihan na nila. My family is here, kasama ang pamilya ni Apollo, sina Nigel, si Eos, Nyx, ate Selene, ate Era, Styx, Ivan, Romer, Joshua, Fredrick, Simon, Frion, Cielo at Helena.


"Naabala ka ba namin?" Mom ask me dahilan para mapalingon din ang mga kasama namin sa akin saka ko lang na-realize na handang-handa na rin ang tutuluyan nilang tent.


"Are you hungry? Kumain ka muna anak," Dad also said to me.


"Why are you here? Tinanong niyo ba ako kung gusto kong kasama kayo ngayon?" agad kong tanong sa kanila saka ako agad na tumayo.


Inayos ko lang din agad ang iba kong gamit na kakaylanganin ko sa star gazing ko mamaya.


"Ikaw talaga anak ang sungit mo talaga kapag birthday mo. Hayaan mo na sila para naman may kasama ka na dito, hindi 'yong kada birthday mo ay palagi kang mag-isa," mayamaya ay sabad ni Manang kaya agad din akong napalingon sa kanya.


She then put everything she's carrying in the table maging ang dala ng mga butler ay inilapag na rin nila at agad din naman silang tinulungan ng iba pa naming mga kasama.


"Nariyan na lahat ng kaylangan mo, dinagdagan ko lang para sa kanila." Muling sabi sa akin ni Manang saka sila umalis.


Hindi naman na ako nagsalita pa and I continued what I'm doing saka ko inayos ang mga dinala nina Manang.


"Kami na ang bahala dyan," Eos said to me pero hindi ko siya pinansin.


"Hindi namin alam na simula noong mamatay ang kambal palagi kang narito kapag birthday mo. Ang alam namin hindi ka nagpupunta rito," mayamaya ay sabi sa akin ni Apollo habang tinutulungan nila akong ayusin ang mga pagkain.


"Hindi niyo talaga malalaman, abala kasi kayo sa pagpilit sakin sa mga bagay na ayoko namang gawin hindi ba? Masaya kayo na gumastos ng malaking halaga para sa mararangyang handaan, pero hindi niyo man lang ako tinanong kung gusto ko ba 'yon," agad kong sagot sa kanya.


"Naya, bukas ka na magalit. Hayaan mo naman kaming makasama ka ngayon ng walang away. Bukas na lang, ibibigay namin sa'yo ang kalayaan na magalit bukas. Huwag lang ngayon, kasi gusto lang naman naming I-celebrate na buhay ka at kasama namin eh," Apollo said again dahilan para muli akong mapatingin sa kanya.


"Hindi ako nagce-celebrate dahil buhay pa ako Apollo. Ginagawa ko 'to kasi ito ako, bagay na hindi niyo alam," I said again dahilan para matahimik na lang din siya.


Hindi na siya sumagot at nakipagtalo pa sa akin dahil pinigilan na rin siya ng Mommy niya and I just continue doing what I wanted to do kahit na nasa paligid lang sila. Kumain lang din ako ng sarili ko and I just lay down on my mat again looking at the stars.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon