KILLERS 46

1 0 0
                                    

(Naya's POV)







Kumuha ulit ako ng mga palaso saka ko muling tinira ang target board at napatigil na lang ako ng masira na ng tuluyan ang huling target board na ginagamit ko. Ibinaba ko na lang din ang bow at pinulot ang mga arrow na nakakalat, pagkatapos kong gamitin ang mga iyon. Nilinis ko na rin ang mga ginamit ko dito sa gym saka ko iyon ibinalik sa pinagkuhanan ko.


Sa ngayon ay wala pa rin akong nahahanap na impormasyon tungkol sa mga supposed target ko. Ang hirap kasing pumasok sa killers ground site ngayon. Badtrip!


Naupo na lang ako sa bleachers pagkatapos kong linisin lahat ng kalat ko at uminom, I then look at my wristwatch pagkatapos kong uminom at nakita ko na alas kwatro na pala ng hapon. Kaya dinampot ko na ang mga gamit ko saka ako lumabas ng gym, mahirap na kasing abutin ng alas sais sa labas.


Simula ngayon allowed na ang weapon every 11:11, at may weapon naring pinahahawak sa mga estudyante para sa kaligtasan nila. Magsisilbi nila iyong panlaban sa mga infected at sa mga alagad ni second kapag susugod sila.


Kinuha ko na lang din ang ilang gamit na naiwan ko sa dorm 13, saka ako bumalik sa ordinary dorms para ituloy ang ginagawa ko. Sa ngayon siniguro na mas secured na ang mga pinto nila at may mga double doors na na bakal at nilagyan na rin ng mga grills ang mga glass windows na naila-lock sa loob para magagamit pa rin as emergency exit kung kinakailangan.


"Miss Naya?" tumango lang ako kay Sabrina ng batiin niya ako pagkakita ko sa kanya.


"Kukunin ko lang ang mga gamit ko, i'll stay on the dorm malapit sa roof deck para mas malapit ako doon. Stay here, kasama niyo naman si Helena dito saka baka magsama rin siya ng iba pa naming kasamahan," I said to her saka ko sila nginitian para hindi na sila mangamba.


"S-sige po," they answered in unison.


Pumasok na rin agad kami sa loob at kinuha ko na ang mga gamit ko saka ako lumabas, tinulungan pa nila akong magdala ng gamit ko sa taas and I let them.


"Make sure your safety, ang mga bintana at pinto isara ng mabuti," bilin ko sa kanila. "Opo," muli ay sabay-sabay nilang sagot.


Pagkatapos ay umalis na agad sila at inayos ko naman agad ang dorm ko ayon sa gusto ko. Sinet up ko na rin ang mga gagamitin kong gadgets, at sinubukan ko rin kung gagana ang ginawa kong improvise alarm. Matagal ko na 'tong ginawa kaya lang ay ngayon ko pa lang ito masusubukan.


Mga pisi 'yon na kone-konekta na inilagay ko sa roof deck, para kapag may pumunta doon tuwing gabi ay malalaman ko agad. Inayos ko iyong mabuti at siguro ko na hindi agad makikita, siniguro ko rin na tutunog ang alarm na naka-konekta sa kwartong ito. Kaya nga lang ay dito ko lang iyon nagawa sa senior high girls dorm, dahil wala akong access sa ibang dorm pero sigurado naman ako na kapag bumaba sila sa roof deck ay naroon na rin ang iba nilang kasama sa ibang dorms.


Mayamaya ay napalingon ako sa pinto ng dorm ko ng may nagbukas noon. It's Apollo, at kasunod niyang pumasok si Venus. May mga dala na rin silang gamit at mga lulutuin, at mukang makakasama ko sila dito.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon