KILLERS 6

2.2K 59 2
                                    

Frion Levi Salazar

----------------------------------






(Naya's POV)



"Bakit mo sila pinaiimbestigahan?" Napakunot din ang noo ko sa tanong ni Nigel sa akin. Bakit nga ba? Dahil ba weird sila o dahil pakiramdam ko may dapat pa talaga akong malaman sa kanila.


"Hindi ko rin alam, medyo weird lang kasi sila nina Frion," I answered. Narinig ko na natawa si Nigel dahil sa sinabi ko kaya napabuntunghininga na lang din ako dahil alam kong I'm not making a point either.


"Dont worry, I'll update you kapag may nahanap na akong impormasyon tungkol sa kanila." tanging sagot ni Nigel sa akin.


"Okay." Ibinaba ko na ang tawag saka ako muling napabuntunghininga sa kawalan.


Oo nga bakit ko nga ba sila pinaiimbestigahan? Hindi ba parang pagdudududa 'tong ginagawa ko? Pero ang weird lang kasi nila, ang weird ng pamilya nina Eos at maging si Frion.


Imagine we run an investigation sa lahat para sa mga impormasyon na kaylangan namin at sa kanila wala man lang kaming impormasyon na nakita, I mean too detailed, and so suspicious.


Ipinilig ko na lang ang ulo ko at pilit na iwinaglit ang isiping iyon saka ako nagsimulang maglakad at maglibot sa DRU. Wala kasi akong time noong biglaan akong umuwi noong graduation ni Apollo, at isa pa I don't have the courage that time at ngayon lang ako nagkalakas ng loob ulit, isa pa ay wala rin naman kasi akong gagawin.


At ngayon na nalibot ko na muli ang DRU, ngayon ko talagang masasabi na ang laki nga talaga ng pinagbago nito. Ibang-iba na talaga dito lalo na ang mga batas at iba na rin ang mga namumuno at ang way ng pamumuno. Medyo cool na nga kung tutuusin.


Kung may hindi nagbago sa DRU siguro iyon ay kung anong klaseng paaralan ito, this school was for gangsters, at hindi na 'yon magbabago. Ganoon na ang kalakaran dito, at siguro nasa pamumuno na lang din ang problema kaya nagkaroon ng mga ganoong pangyayari pero siguro naman ngayon ay maayos na ang lahat.


I even heard na ibinalik na iyong no weapons rules dito at kahit sa 11:11 ay bawal na 'yon, at pahihintulutan na lang daw iyon tuwing hell month. Although bumalik na sa dating schedule ang 11:11, sinigurado naman na patas na ang labanan sa lahat at sinisiguro na rin ang no killing policy dito. Bawal na rin daw ang basta-bastang away at ang bullying, at sabi nila kung gusto mo ng away idaan mo na lang sa quadrangle kagaya dati.


Naghigpit na rin sila sa mga sanctions nila rito. Sinisiguro na talaga nila na disiplinado ang lahat at walang maaargabyadong mga magaaral, ginagawa na talaga nilang student friendly ang school. Ang balita ko nga ay may official clubs na ang mga gang dito at magkakaroon lang sila ng official hideout kapag nakarating na sila sa class E, dun na rin sila kikilalaning official gang para daw maiwasan na ang maliliit na gang na bigla-biglang sumusulpot.


At kahit na bangungot ang nangyari noong nakaraang taon, nakita ko na marami pa rin ang nag-enrol ngayong pasukan. Ang ibang mga nakasama namin noon na nakaligtas ang iba sa kanila ay nakita ko na rin kanina. Sa totoo lang ay hindi ko na inaasahan na may makikita pa ako sa mga dating nagaral dito pero bumalik ang iba sa kanila. Ang iba nga ay busy na sa pagre-recruit ng mga kasamahan sa gang.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon