KILLERS 23

1.7K 46 0
                                    

(Naya's POV)





Pagdating namin sa mismong building nila ay eksakto namang nakarinig na kami ng sigawan sa itaas. Dahil doon ay nagkatinginan kami ni Eos saka mabilis na bumaba ng mini bus.


Tumakbo rin agad kami papasok sa building na iyon at dumiretso sa room nila na nasa 3rd floor. Pagdating namin ay nagkakagulo na ang mga estudyante at ina-assist naman sila ng ilang guards at ng professor nila.


"Go down, faster!" Utos ni Eos sa kanila.


Pinababa rin agad ang mga estudyante kasama ang professor nila, pero iyong mga na-stock sa kabilang side ng hallway ay hindi makaalis. Nasa daan kasi ang tatlong infected na marahil ay iyong mga kaibigan noong dalawa.


"Look at me." Automatic na napatingin sila sa akin sa utos ko.


Iyon namang mga estudyante sa kabila ay agad ding tinawag noong guard na nagbukas ng fire exit. Hinagisan din agad sila ni Eos ng tatlong hunters knife ang tatlong infected na tumama sa mga paa nila para hindi sila makahakbang, habang pinananatili ko ang atensyon nila sa akin saka namin sila pinatulog. Dinampot din agad sila ng mga guards pagkatapos noon at sa fire exit na sila dumaan pero kami ni Eos ay sa hagdan pa rin dumaan.


"Professor Sarmiento, cancel their class." Bungad ni Eos sa Professor ng klase nila pagbaba namin ng building na iyon.


Naabutan din naman namin sila na nagtitipon-tipon sa harapan ng building, at kaylangan namin silang kausapin ukol sa issue na ito.


"Y-yes Mr. President." Sagot niya kay Eos saka niya nilingon ang mga estudyante niya.


"Magpahinga na muna kayo, sige na." Utos ng Professor sa mga kaklase ng mga infected na iyon na agad din naman nilang sinunod.


Inihatid sila ng mga guard sa kani-kanilang dorm matapos siguruhin na walang nasugatan sa kanila. Alam ko na lahat sila ay nangangamba, nakikita ko iyon sa mga muka nila pero wala naman silang magagawa kung hindi ang umalis na.


"Come with us." Utos ni Eos sa professor na tumango naman kaagad kaya mabilis din kaming bumalik sa Hell building.


Pagdating namin doon ay naroon na rin si Cyan. Yumukod naman agad ang professor sa lahat, bago siya naupo.


Simula ng maupo si Cyan bilang Dean ng DRU ay binigyan na rin niya ang lahat ng SSC officers ng mataas na kapangyarihan kasunod niya, sunod pa rito ang guards bago ang faculty.


"Paano nagsimula ang insidentang iyon?" agad na tanong ni Cyan sa kanya.


"It started in the middle of our class. Pinatayo ko silang tatlo dahil wala silang report at hinanap ko rin iyong dalawa pa nilang kaibigan na hindi nila kasama. Mga trenta minuto na marahil ang nakakalipas." Sagot niya at agad din kaming nagkatinginan dahil doon.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon