(Naya's POV)
Pasimple akong humiwalay sa grupo namin at nagmasid sa paligid, at madali ko lang iyong nagagawa dahil may tulong din ako mula kay Cyan. At kung dati si Victoria ang nagmo-monitor ng laro ngayon ay si Cyan na, kaya alam kong hindi ako mahihirapan sa mga dapat kong gawin pero hindi pa rin kami dapat makampante. Hindi pa rin namin alam kung talagang mako-kontrol ba ni Cyan ang laro o hindi. Ito rin ang unang pagkakataon na magagamit ang pagiging Dean ni Cyan sa 11:11.
As of now, we still have the same bugging devices na sinabi kong gamitin pa rin namin para dito dahil hindi kami nagpapaka-kampante sa mga nangyayare. Way rin ito para malaman ko kung hinahanap na ba nila ako, dahil alam kong mayamaya ay hahanapin na nila ako pero hindi naman ako lalayo. Maghahanap lang naman ako ng mga infected.
"Naya where are you?" mayamaya ay tawag sa akin ni Apollo pero hindi ako sumagot.
Pinakikinggan ko lang din sila pero hindi ako nagsasalita dahil babalik din naman ako. At hindi pa man ako nakakalayo ay bigla ng tumunog ang kampana, hudyat na nagsisimula na ang 11:11.
Nagsimula na rin ang hiyawan, at sugudan matapos ang hudyat na iyon. Ito na talaga, simula na ang labanan. Pero kahit na nagsisimula na sila ay nananatili lang naman akong naka-kubli sa mga puno at pinagmamasdan ang bawat paligid kung may mga infected ba dito.
"Naya? On your back." Dinig kong sabi ni Cyan sa isang earpiece ko na ibinigay niya.
Bullshit sa likod? Napahiga ako at hindi na nakakilos dahil sa dumamba sakin sa likod ko at sinakal niya ako gamit ang braso niya, dahilan para malimitahan ang pagkilos ko.
"It's Naya, stop come on!" Hiyaw ko sa kanya kahit na nahihirapan na akong huminga.
"Ikaw si Naya? Ikaw pala si Naya." Kinabahan agad ako ng marinig ko sa kanya ang mga katagang 'yon, na para bang nagpalambot din agad ng tuhod ko.
Bullshit! t-tulad ito noong ginamit kay Kuya Red.
"Papatayin ka nila Naya, hindi man ako pero sila, papatayin ka nila!" Tumawa siya ng malakas pagkatapos niyang isigaw iyon.
Fvck! Siniko ko siya ng buong lakas saka ako tumayo at sinipa ang muka niya, sakto namang dating ni Blue.
"Naya?" Tawag niya sa akin habang umuubo ako at dinampot din agad ng mga kasama niya iyong lalaki. For experiment din siya kaya pinatulog ko lang siya.
"You okay?" Kinakabahan niyang tanong sa akin.
"Y-yeah! Marami pa bang nakapaligid dyan?" Tanging sagot ko sa kanya.
"Lima pa lang ang nade-detect namin. Pinuntahan na rin noong iba kong kasama iyong apat pa," agad niyang sagot sa akin kaya tumango na lang ako.
Bullshit! Lima? limang infected agad kahit kasisimula pa lang ng 11:11? Ganyan sila kasama, at kahanda.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Misteri / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...