(Naya's POV)
Sa penthouse kami ng kambal umuwi taliwas sa inaasahan ng lahat na uuwi kami sa bahay. Malayo sa lahat ang penthouse na ito dahil nasa probinsya ito ng Laguna. Dito ay kasama ko pa rin si Nyx at Apollo, pero alam naman nila lolo na umalis na kami sa safe house. Sinabi ko rin naman sa kanila na magtatago kami sa malayo at pumayag naman sila, wala rin naman kasi silang magagawa dahil gagawin ko ang gusto kong gawin sa buhay ko at walang makakapigil sa akin.
Tama nang pinagbigyan ko sila noon, ngayon sarili ko naman ang uunahin ko. Kahit na masama ang loob ko sa kanila I stayed sa isla na 'yon dahil sa gusto nila, pero ngayon hindi na ako mananatili na lang doon at mananahimik.
"Nandito na tayo," I said sa mga kasama ko saka ako naunang bumaba sa kanila.
Ibinaba na rin naman agad ni Apollo at Nyx ang mga gamit nila sa tapat ng pinto ng penthouse ng kambal habang binubuksan ko iyon. At pagpasok namin ay napa-wow agad si Nyx pero hindi ko na sila pinansin.
"Mahilig din sila sa penthouse?" Tanong ni Nyx sa akin pero hindi ko na sila pinansin at nag-ayos na agad kami dito. "That's because of Naya gusto niya kasi ang matataas na lugar," sagot ni Apollo sa kanya.
"Pumili na kayo ng kwarto, bahala na kayo kung saan kayo dyan," I said again at tumango na lang sila sa akin ng sabihin ko iyon.
Actually may sarili namang kwarto dito si Apollo kaya si Nyx na lang ang mamimili, ako naman ay dumiretso na lang din sa kwarto ko at inayos ko na ang mga gamit ko doon saka ako bumaba muli at inayos ang mga gagamitin namin sa bakanteng kwarto. Hindi na rin ako nagabala sa pagkain dahil sigurado naman ako na magluluto na si Apollo.
"Naya?" Napalingon ako sa pinto ng tawagin ako ni Nyx. "Come in."
Pumasok na si Nyx ng sabihin ko iyon habang tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko, nakaligo na siya, pero ako ay hindi pa.
"Ang ganda naman dito, gusto ko na rin tuloy magka-penthouse dito sa laguna," Nyx said saka siya nahiga sa kama na narito.
Hindi ko naman na siya pinansin at hinayaan ko na lang siya, hanggang sa mayamaya ay may nagbukas na naman ng pinto and its Apollo.
"Mamaya na 'yan, kumain na tayo," yaya niya sa amin kaya itinigil ko na lang din ang ginagawa ko at lumabas na kami para kumain.
"Bibili ako ng mga stocks sa kusina mamaya may ipasasabay ba kayo?" tanong ko sa kanila.
May mga bibilihin pa rin kasi ako na kaylangan ko sa ginagawa ko kaya kaylangan ko ring lumabas.
"Sasama ako, may bibilhin din ako," agad na sagot sa akin ni Nyx. "Sama rin ako, iiwan niyo ba ko dito ha?" agad ding sabi ni Apollo na tinawanan din naman agad ni Nyx kaya hindi na ako tumutol.
Kumain na lang kami at pagkatapos ay saka kami nag-ayos at naglista ng mga kaylangan namin. After that ay ini-lock muli namin ang unit namin bago lumabas, still in disguise. Apollo wear sunglasses even Nyx and I just wear cap and eyeglasses. Hindi kasi alam nila Lolo na dito kami pupunta, may sinabi naman akong lugar sa kanila na pupuntahan namin pero hindi kami doon nagpunta.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...