KILLERS 28

1.7K 37 0
                                    

(Naya's POV)







Ilang araw na ring wala sina Eos pero ang sabi niya ay sandali lang naman sila doon. Pero kahit na ganoon, mas nakakabahala ang katahimikan sa academy kaysa sa hindi nila pagbalik dito. Hindi rin naman ako nagaalala ng sobra, alam naman namin kung nasaan sila Eos, pero ang susunod na pagsugod ni second hindi namin alam kung kailan 'yon. Mas inaalala ko ang bagay na 'yon dahil alam kong mas mahirap 'yon ngayon na wala siya.


"Seryoso ka na naman." Nginisian ko lang si Joshua ng punahin na naman niya ako.


Sa kanya ko lang kasi sinasabi ang mga sentimyento ko ngayon na hindi ko masabi kahit kanino lalo na kay Apollo.


"Si Eos na naman ba?" Tanong niya sa akin at kahit nahihiya ako ay ngumiti na lang ako sa kanya saka ako tumango. "Alam mo naman na isa na siya sa maraming dahilan." Tanging sagot ko sa kanya.


"Kung ganoon ano naman 'yong iba pang dahilan?" Muling tanong niya sa akin kaya mahina akong natawa. "Si second, kakaiba ang pananahimik niya." Sagot ko na agad niyang ikina-seryoso.


"Napansin mo pala? Halos lahat kasi sila ay iyan ang sinasabi." Mayamaya ay sabi niya sa akin. "Ang mga walang alam sa venom X lang ang hindi makakaisip noon Joshua."


Natawa lang siya sa sinabi ko sa kanya at natahimik na kami matapos noon kaya napabuntunghininga na lang muli ako. Nakakapagtaka lang naman kasi talaga ang pananahimik nila lalo na kung saan pupunta sina Eos.


Hindi nila binanggit sa amin kung saan sila pupunta at hindi rin naman ako nagtanong, pero nagtataka rin ako dahil kasama niya pa si Frion. Ang alam ko ay uuwi sila sa kanila, sinabi na rin iyon ni Nyx sa amin, uuwi raw si Eos at Styx pero bakit kasama si Frion? Saka bakit napunta sa kanya ang usapan? Si second ang pinaguusapan namin ni Joshua eh.


Hays! Kinakausap ko na naman ang sarili ko, nababaliw na ba ako? Pero nakakapagtaka lang naman kasi talaga, magkakilala ba sila ng mas higit pa sa pagkakakilala namin sa kanila? Close ba si Frion sa pamilya nila Eos para sumama siya doon? O dahil 'yon sa dahilan na naiisip ko.


"Lalabas tayo sa Sunday hindi ba?" Mayamaya ay muling tanong ni Joshua sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. "Paano nga pala tayo lalabas?"


"Si Cyan na ang bahala doon, lalabas tayo kasama si Blue sila na ang magaayos ng lahat." Sagot ko sa kanya na ikinakunot niya naman ng noo.


"Sige, pero akala ko ba kasama rin si Frion?" Nagtatakang tanong niya. "Kasama rin siya, pero baka sa labas na lang tayo magkita-kita dahil naroon na rin naman siya."


Tumango na lang siyang muli sa sinabi ko at pareho na kaming hindi nagsalita muli. Nakakapanibago rin talaga ang lahat, wala rin kasing tawag o text sa akin ang mokong na Eos na 'yon, kay Nyx nga lang ako nakakabalita ng tungkol sa kanya, pero syempre nahihiya rin naman akong itanong ng itanong si Eos sa kanya. Baka mamaya sabihin pa noong isang 'yon ay hinahanap ko ang kuya niya.Tsk.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon