(Naya's POV)
Ipinasa agad ni Eos and entry namin kay Cyan ngayong araw kaya kami naman ni Helena ay sinamahan sina Sabrina para makausap sina Helios. Nakausap ko na rin naman si Helios at tinanggap naman niya ang offer dahil nagre-recruit din naman sila.
"Alam ko sinusumpa niyo na 'ko for rejecting you on our gang again pero bago niyo gawin 'yan makinig muna kayo sa akin." Nakikita ko na masama ang loob nila, at malungkot din ang apat marahil sa balitang 'yon.
Alam ko na gustong-gusto nila na mapabilang sa gang namin. Alam ko na gusto rin nila na makasama si Helena, pero wala namang shortcut ang lahat. Kaylangan din nilang pagdaanan ang lahat katulad namin.
"Keep in mind na walang shortcut ang lahat ng bagay, dapat niyong alalahanin na walang nagsisimula sa taas. Lahat tayo dapat nagsisimula sa baba. Hindi lang tayo o kayo ang malakas palagi, dahil maaaring may mas malakas pa sa atin. Sa grupo nina Helios matututukan nila kayo, matuturuan, magagabayan, at malilinang nila kayo ng mabuti at maituturo nila sa inyo lahat ng kaylangan niyong matutunan. They can do it better than our gang, besides hindi dapat kayo sumasali sa gang dahil gusto niyo lang, sumali kayo sa gang na alam niyong, lilinangin kayo at hindi pababayaan at doon niyo ibigay ang katapatan niyo." I said to them and by that ay agad silang napatunghay at napatingin sa akin.
"Kung naging gangster kayo at pumasok lang dito para makita ako o mapabilang sa gang namin, umatras na kayo. Hindi kayo mabubuhay at makaka-survive dito dahil lang sa dahilan niyo. May mga bagay na hindi ginagawang biro, at iba ang kalakaran sa labas kaysa dito sa loob. Kaya humanda na kayo dahil wala ng atrasan 'to." I added at agad na bumakas ang takot at pangamba sa mga mata nila.
"You should stay with them, at magpalakas kayo. Gawin niyo ang lahat para makasabay dito sa loob or else you'll all die here." I added at dahil doon ay namayani na ang katahimikan sa amin hanggang dumating si Helios at Chollo.
"Kayo na ang bahala sa kanila." Bilin ko sa dalawa na agad nilang ikinangiti.
"Oo naman Naya." Helios said to me.
Tumayo na rin agad kami ni Helena para makaalis na, but she mouthed good luck first to that five sabay ngiti.
"Magkakaibigan pa rin naman po tayo 'di ba?" Mayamaya ay sabi ng nerd na batang iyon sa amin.
"Oo naman Ariella." agad na sagot ni Helena and they hug her.
"Mauuna na kami Helios." Pagpapaalam ko sa dalawa na agad nilang tinanguan.
Tumango na lang din ako sa kanila saka ako tumalikod para umalis na pero pinigil ako ng pagtawag ng lima sa akin.
"Ms Myren?" Nilingon kong muli ang lima ng tawagin nila ako. "Salamat, at idol ka pa rin namin."
Hindi ko sila sinagot pero tiningnan ko lang sila dahil ang awkward ng sinabi nila pero tinawanan lang ako ni Helena bago kami tuluyang umalis. Napa-roll eyes na lang din naman ako sa kasama ko na hindi pa rin matapos ang pagtawa kaya hindi ko na rin siya pinansin. Kaylangan na rin kasi naming pumunta sa hideout dahil sa meeting. Bukas kasi ay start na ng klase, at magsisimula na talaga ang tunay na laban.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...