KILLERS 17

1.9K 48 0
                                    

(Naya's POV)






Pakiramdam ko ay parang tumigil din sa pagikot ang mundo ko ng mga oras na 'yon. Tumalon agad ako sa damuhan pagsabog ng bomba na iyon at napatakip ako sa ulo ko. At pagkatapos ng malakas na pagsabog ay pilit kong tiningnan ang lalaking 'yon. At saka ko lang nakita na nagkalat ang dugo at laman niya sa paligid. Hindi na talaga siya mabubuhay sa pagsabog na iyon.


Bullshit! I need to warn them. Pinilit kong gumapang para makatayo ako kahit na nahihirapan akong kumilos dahil sa impact ng pagsabog.


"Naya?" Napatingin ako kay Cyan ng tulungan niya akong tumayo saka ko lang din nakita ang maraming security forces na kasama niya.


Marahil ay nagulantang din sila sa pagsabog. Malakas iyon, siguradong saan mang sulok ng DRU ay maririnig iyon.


"Blue? Pahigpitin ang security lalo na sa gate!" Hiyaw ni Cyan kay Blue, nagkatinginan lang din agad sila saka tumango si Blue bago siya kumilos.


Naiwan naman si Cyan kasama ko at ang ilang tao niya para linisin ang labi ng lalaking iyon at mag-imbestiga.


"Paaano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko kay Cyan habang inaalalayan niya ako. "I can see everything now, Naya." agad niyang sagot sa akin.


Sabagay siya na nga pala ang Dean ng DRU.


"Halika na, dadalhin kita sa clinic." Pagkasabi niya noon ay hindi na ako tumutol dahil wala rin akong lakas para gawin 'yon.


At hindi nga ako nagkamali, nandyan na nga agad siya at handang-handa na. Nagparamdan na si second katunayan na totoo ang mga babala ni Victoria at tuloy ang laban namin.


"Naya? Naya?"







(Apollo's POV)



"Naya?" Hiyaw ko saka ko sinalubong agad si Cyan noong makita ko siya sa pinangyarihan ng pagsabog na buhat ang walang malay na si Naya.


Iniabot niya rin naman agad si Naya sa'kin kaya kinuha ko agad ang pinsan ko sa kanya.


"We need to secure the area, Apollo. Take care of her." Bilin niya sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya.


Sumama na lang din naman ang iba naming mga kasamahan sa kanya, at sina Cielo at ate Ezra naman ang kasama ko papunta sa clinic. Dali-dali naming dinala si Naya doon dahil mas malapit ito kaysa sa dark village.


"Anong nangyari?" Bungad sa amin ng Nurse pagdating namin sa clinic.


Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon