(Naya's POV)
"Naya? Matutulog muna ako ha? Inaantok pa kasi ako, hindi muna ako papasok," Helena said kaya tinanguan ko na lang siya para hayaan siyang magpahinga.
Alam ko naman na kaylangan niya ng pahinga, dahil nagbabantay siya sa pinto mula pa noong unang mangyari 'yon.
"Apollo? Joshua? Magpahinga na rin muna kayo," harang ko sa dalawa na papalabas na sana.
"How about you? Magpahinga ka rin," Apollo said pero umiling lang ako. "I need to check the dorms myself again," I answered.
Tumango na lang sila kaya naligo na lang muna ako saka ako muling bumaba para makaalis na.
"Tara na?" Yaya sa akin ni Eos pagdating ko sa baba na agad kong ikinakunot ng noo.
Ngumiti lang naman siya at hindi na nagsalita saka niya ako inakbayan, hindi na rin naman ako naka-reklamo at sumunod na lang din ako sa kanya at lumabas na kami ng dark village.
The features of that man, halatang matikas siya at delikado, halatang-halata rin na magaling siya at may ibubuga. Hindi rin basta-basta lang ang datingan nila, pero kaylangan pa rin naming makahanap ng pagkakakilanlan nila.
Bumalik na lang kami sa mga dorms at chineck silang mabuti, wala na rin naman ang bakas ng nangyari kanina dito. Natapos na rin namin ang pagbisita sa males dorms at sa college females dorm kaya dito na kami nagpunta sa senior high girls dorms para masiguro na maayos na talaga ang lahat.
Habang naglilibot ay nakasalubong pa namin ni Eos ang mga babaeng muntik mabiktima noong mga infected kagabi, agad din silang yumukod pagkakita nila sa akin, na waring natatakot at nahihiya.
"Wala bang nasaktan sa inyo?" Tanong ko agad sa kanila.
"W-wala po, salamat Ms. Myren," agad nilang sagot.
Hindi sila makatingin sa akin ng diretso kaya tinapik ko ang mga balikat nila.
"Lock the doors next time, at huwag niyong buksan kapag nakarinig ulit kayo ng ganoon. Huwag na kayong matakot, we are staying here for awhile para ma-solve ang problema, kami na ang bahala," I assured them. Napatingin lang din naman sila sa akin ng sabihin ko iyon.
"Opo, maraming salamat ulit." sabay-sabay nilang sagot kaya nginisian ko na lang sila bago ko sila nilampasan, pero napatigil ako ng tawagin muli nila ako.
"Miss Naya?" Napalingon akong muli sa tumawag sa akin. "Sino po sila? Anong nangyayari? Bakit ganoon?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Iyong mga lalaking naka-itim na kumakatok sa mga dorm windows, sino sila? Bukod sa mga kumakatok sa pinto na mga estudyante kasama rin ba sila sa iniimbestigahan niyo?" one of them ask me.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Misterio / SuspensoKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...