KILLERS 18

1.8K 46 2
                                    

(Naya's POV)







Nakatanaw ako sa pagdagsa ng mga estudyante di kalayuan sa malawak na hallway na malapit sa main gate ng DRU. Katulad ng inaasahan ay mas marami sila pero dahil sa nangyari ay kinailangan naming pahigpitin ang seguridad ng DRU.


Sa dami nga nila ay may mga nag-assist na rin na mga kasamahan namin sa kanila. Chine-check narin nilang mabuti ang lahat, at sinisiguradong walang makakalusot na anuman.


Hindi na ganoon kadami ang mga estudyante ng DRU pero dahil sabay-sabay sila ay dumadami sila sa paningin. Mayroon na kasing slots dito para ma-control na ang bilang ng mga pumapasok, at dahil doon ay first come first serve basis na sila.


"Hey?" Ngumiti lang sa akin si Nyx paglingon ko sa kanya na nagsalita sa likod ko.


May sa aso talaga ang isang 'to, akalain mong pati dito ay nasundan niya ako. Nahahalata ko na rin sa kanya na siya ang madalas sumunod sa akin ngayon.


"Come, lets eat?" Yaya niya sa akin kaya sumunod na lang din ako sa kanya at nagpunta na lang din agad kami sa cafeteria.


Wala sigurong luto sa dorm kaya dito kami kakain, marahil busy silang lahat kaya wala na silang panahon para magluto.


"That's Naya and Nyx, miyembro sila ng pinaka-malakas na gang dito."


"Talaga?"


"Alam niyo may usap-usapan pa nga na ang gang nila ang nagligtas sa academy noong nakaraang gang war, kasama ang noo'y kalaban nilang gang na naging kakampi rin nila."


Agad na napakunot ang noo sa mga bulungan na narinig ko. Hindi na kasi natapos mula pa kahapon ang bulungan na iyon, paulit-ulit ganyan ang naririnig ko. Mananatili marahil 'yan hanggang hindi pa kami kilala ng karamihan.


"Iyong paparating ay ang viper gang, sila ang ikalawang malakas na gang dito."


"Naya? Nyx?" Napalingon kami kila Helios ng tawagain nila kami.


Kumaway lang din sa amin sila habang busy kami ni Nyx sa pila, kaya tumango lang din kami sa kanila. Pinauna rin agad sila ng mga nasa unahan sa pila nila pero kami ay pumila dahil gusto amin.


The strongest have special treatment here, pero ayoko ng ganoon, ayoko ng special treatment. I wanna be fair sa kahit na sino. Napansin ko rin na kalaunan ay hinayaan na lang din nina Helios ang iba pa na mauna sa kanila, nahiya siguro sila dahil kami ay nakapila tapos sila ay hindi.


"Hey?"cUmiwas agad kami ni Nyx saka ko sinalo ang hunters knife na ibinato sa amin noong batang tumawag sa amin.


She's G11 ABM base sa ID niya. Nakalimutan ko rin yatang sabihin na may uniform na rin ang mga senior high students dito.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon