KILLERS 8

2.1K 59 0
                                    

(Naya's POV)





Ipinarada ko ang kotse ko sa tabing kalsada malapit sa pakay ko saka ko kinuha ang mga dala ko at bumaba. Naisipan kong lumabas na lang dahil wala naman akong gagawin, saka wala rin namang tao sa bahay kaya lumabas na lang ako ng mag-isa.


Sabagay sanay naman na ako, ganito naman na ako palagi. Simula kasi ng mamatay ang kambal ganito na ang buhay namin, palagi akong magisa kasi nagta-trabaho sina Mom at Dad na hindi ko naman nararamdaman noon kasi nandyan ang kambal.


Noon we have lolo and lola at kasama pa si Apollo, na gagabay at sasamahan kami sa araw-araw. Kapag magkakasama kami ay okay na ako, kuntento na rin ako sa ganoon. Hindi na rin ako nagaalala na magisa ako kasi hindi naman nila ako pababayaan, palagi rin naman silang to the rescue noon tapos babawi na lang sina Mom and Dad every weekends.


Napabuntunghininga na lang ako saka ko mas binilisan ang paglalakad palapit sa libingan nila mimi at ng kambal. Simula ng mamatay si Mimi ito naman ang gusto kong palaging gawin ang puntahan sila na hindi ko magawa sa kambal noon. Siguro nga nagtatampo na ang kambal, kasi kung hindi pa namatay si Mimi hindi ko pa sila madadalaw ng madalas.


"Kamusta kayo dito?" Tanong ko sa kanila saka ko Ibinaba ang kandila sa harap ng puntod nila saka ko iyon sinindihan. Sa tabi noon ko inilagay ang bulaklak saka ako naupo sa damuhan.


This was the first time na pumunta ako dito ng magisa at kusang loob magmula ng mamatay ang kambal. Bagay na ayaw na ayaw kong gawin noon.


"Alam niyo medyo okay na rin kami, natatanggap ko na rin talaga na wala na kayo kahit paano. Nakatulong ng malaki ang pagpasok ko sa DRU sa pagtanggap ko ng pagkawala niyo, kasi hindi na ako in-denial. Punong-puno na ng galit at paghihiganti ang puso ko ngayon."


Malaking tulong na rin siguro sa pagtanggap na 'yon ang pagkakahuli kay Victoria. Dahil kasi doon ay nabawasan ang bigat sa akin at nararamdaman ko rin na totoong may progress na ang kaso namin. Pakiramdam ko nga ay nakakausad na kami.


"At huwag na kayong magalala kasi gagawin namin ang lahat mahuli lang iyoing anim pang natitira."


At kahit paano masasabi kong masaya naman ako. Kahit paano ay nagkaroon naman ng kasagutan lahat ng tanong ko. At ang tanong na lang ngayon na bumabagabag sa akin ay kung sino ang anim na kasamahan ni Victoria sa mga kagaguhan na 'to? Sa totoo lang ay mahirap 'to dahil wala man lang kaming clue o anuman para mahanap namin sila. Pero kahit na ganoon ay gagawin ko ang lahat mahanap lang iyong iba pang natitira sa kanila.


I look at my phone when it beep at agad ding napakunot ang noo ko sa nakita ko. Isang malaking himala na nag-text si Nyx sa akin ngayon.


'Nasan ka? Magkita tayo' Text niya. Ano naman kayang problema nitong isang 'to? Bakit kaya gusto niyang makipagkita?


'Where?' Reply ko sa kanya.


Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon