KILLERS 25

1.6K 41 0
                                    

(Styx's POV)






Normal lang ang lahat para sa iba, pero para sa amin na nakakaalam ng lahat ay hindi ito maganda, para sa'min ang bawat araw na dumadaan ay araw na ng nalalapit na paglilitis.


"Oh Joshua anong gagawin mo dyan?" Nilingon kami ni Joshua na dumaan malapit sa amin.


Nandito kasi kami sa sala ng hideout ng tanungin siya ni Eos, dala niya kasi ang mga arnis na ginagamit namin lagi tuwing nagsasanay.


"Ah ito ba? Nasa gym kasi sina Naya, nagte-training kasama noong iba kaya dadalhin ko ito doon." he answered.


Nagkatinginan kami sa sinabi niya saka kami sumama sa kanya. Pagdating namin sa gym ng dark village ay busy ang iba naming mga kasama at tahimik na nagsasanay, nasa kabilang side naman sina Naya at Nyx kasama si Apollo at mukang seryoso rin ang training nilang tatlo.


"Naya ito na."


Inihagis na ni Joshua ang dalawang arnis kay Naya na mabilis niya namang sinalo kahit hindi siya nakatingin kay Joshua. Iyong dalawa naman ay sumalo rin ng arnis at iyong iba ay ibinigay ni Joshua sa iba pa.


"Magsimula na tayo." Naya said to them.


Naupo na lang din naman kami sa bleachers para manood sa anumang gagawin nila. Lumapit na rin sa tatlo ang iba naming kasamahan na inabutan ni Joshua ng arnis at saka sila kumalat sa gym at humanda sa pag-atake habang iyong tatlo ay pinalilibutan nila.


"Huwag niyong isiping magkaka-kampi tayo dito ngayon, okay? sumugod lang kayo." Utos ni Naya sa kanila.


Ano bang binabalak nila? Mayamaya ay nauna ng sumugod si Fredrick sa kanila, sinugod niya si Naya na umiwas lang sa kanya saka niya hinampas sa likod si Fredrick ng arnis.


"Sugod na!" Hiyaw ni Fredrick kaya sumugod na silang lahat.


Sinalubong sila ni Naya na naka-porma na tulad noong kung paano siya sumugod noong hunting game na siya lang ang participant saka siya walang alinlangang lumaban.


"Huwag niyong isipin kung sino ang kalaban niyo, ang isipin niyo ay mga infected lahat tayo at lumalaban tayo para mabuhay. Thats how we must train each other! Move!" Hiyaw muli ni Naya sa kanila.


Kanya-kanya rin naman silang sugod at seryoso rin si Nyx at Apollo habang napaka-delikado ng mga tingin ni Naya. Hindi naman sila nagpupuruhan, kapag matatamaan sila ay tatayo lang din ulit sila. Hindi rin naman nila tinotodo ang lakas nila sa paghampas.


Napalingon ako sa sulok ng gym kung saan kami malapit ng may maisip akong gawin. Saktong nakita ko rin ang basket ng maraming tennis ball sa sulok na ginagamit namin palagi sa dodge ball. Kinuha ko rin agad ang mga bola na iyon saka ako bumalik sa pwesto namin.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon