(Apollo's POV)
"Dito na ako sa sala, ako na ang magbabantay sa pinto," biglang prisinta ni Venus pagkatapos naming kumain kaya agad kaming napatingin sa kanya.
Ang kapal niyang magsalita, sino ba siya? Boss ba siya dito? Kung hindi lang ako mayayari kay Naya yari talaga siya sa akin. Hindi ko pa nakakalimutang sinabon ako ni Naya dahil sa kanya tsk. Saka bakit ba ako matutuwa dyan? Nasaktan si Naya dahil sa kanya, hindi ako natutuwa sa kanila ng kapatid niya ano.
"Hindi na Venus, ako na dyan, doon ka na sa kwarto," tutol ni Joshua sa kanya na agad na ikinakunot ng noo ko.
Wait? bakit sa kwarto? Ayoko nga, dyan na lang siya. Tama lang na dyan lang siya.
"Huwag na, mas sanay ako dito," muling sagot niya kay Joshua.
"Hayaan mo na nga siya dyan Joshua, ayokong kasama siya sa kwarto. Naaalibadbaran ako sa presensya niya at baka bangungutin pa ako mamaya dahil sa kanya," sabad ko sa kanila at lahat naman sila ay napatingin sa akin. Bakit ba? May masama ba sa sinabi ko?
"Alam ko na, si Apollo na lang dito at tayong lahat doon sa loob, tutal naman siya lang ang may ayaw na kasama si Venus," Joshua said na agad ding sinangayunan ng iba naming kasama.
Ano? Nagbibiro ba si Joshua?
"Ayoko nga!" Angal ko, ang kapal ah. Siya dapat dyan.
"Then go, doon na kayo sa loob sige na Venus doon ka na mahiga sa kama ko," Joshua said again.
"Para walang away sige na doon na kayo ako na dito," mayamaya ay prisinta ni Fredrick.
Dahil doon ay dali-dali kaming pumasok sa kwarto at agad ding hinila ni Joshua si Venus kasunod namin. Mahirap na baka magbago pa ang isip niya.
"Salamat tol!" hiyaw namin kay Fredrick mula dito sa kwarto.
"Mga sira ulo!" Nagtawanan kami sa hiyaw ni Fredrick saka namin inayos ang mga higaan namin.
Bahala siya dyan tutal feeling pogi siya eh. Kanya-kanya na kaming ayos ng higaan namin gaya dati. Si Venus naman ay sa higaan ni Fredrick matutulog, malapit sa pader ang higaan niya katabi si Joshua, katapat niya naman ako at si Jervin at si Jervis ay sa kabila.
"Venus? Paano kayo nasali sa organization nila Eos?" mayamaya ay tanong ni Joshua kay Venus habang nagaayos kami ng higaan.
May gusto siguro siya kay Venus. Sus! Sasaktan lang siya niyan. Saka parang noong nakaraan lang ay si Naya ang gusto niya, ngayon naman ay itong bruha na. Nice!
"Noon pa man kasapi na sa organization nila ang pamilya namin," simpleng sagot ng babae na 'yon kay Joshua.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...