(Naya's POV)
"Anong time of death?" Tanong ko kay Cyan pagakyat namin ng office nila Eos. "7:12 Naya, ibig sabihin kalalabas lang nila ng dorm." Sagot niya sa akin.
"12:23 is their hidden message again, kagaya ng kay Victoria noon." They all look at me ng sabihin ko iyon saka sila bumaling kay Helios.
"Saan niyo ba nakuha ang 12:23 na 'yan Helios?" Tanong ni Styx sa kanya. "December 23 naganap ang malakihang labanan sa underground society 20 years ago, doon namin nakuha ang 12:23." agad na sagot ni Helios sa kanya.
So it means makasaysayan ang 12:23 na 'yon at marahil halos lahat ng nasa underground society ay alam 'yon.
"Pwedeng may koneksyon din 'yon sa nangyayari ngayon." I said again.
Sa akin naman muling nabaling ang atensyon nila dahil sa sinabi ko. Lumapit ako sa white board nina Eos sa office nila saka ako nagsulat.
"labindalawa ang namatay, tatlo ang pinatay sa brutal na pamamaraan, at dalawa ang animo'y pinatulog lang, that makes it 12:23. Iyong pitong animo'y binugbog lang at 'yong dalawang animoy natutulog lang ang bumangon, seven represents the seven students na binugbog nila and 12 represents their total, at 7:12 represents the time of death. That is the pattern, katulad noon." Bumuntunghininga muna ako bago magpatuloy.
"At kung totoong katulad nga ito noon at kung totoong 12:23 at 7:12 nga ang hidden message, malinaw na si second na 'yan. Ganyan din ang ginamit ni first noon hindi ba? At marahil nga ay may kinalaman din sila 20 years ago noong december 23, for them to use such memorable date sa underground at marahil totoo nga ang hinala namin na lahat sila ay nasa underground lang." I continued at lalo silang natahimik sa sinabi ko.
Ibang level na ang mga nangyayari. Hindi na nga ito basta-basta.
"Mukang malapit na nga siya dahil nagpaparamdam na siya tulad ni first noon. Now we're sure that those seven are existing aside from first." I added at bumakas muli ang pangamba sa kanila.
"Marahil hindi lang din para sa paghahanap ng antidote ang ginagawa nilang ito, marahil ay may iba pang dahilan na may kinalaman twenty years ago. Who knows hindi ba? posible rin na hindi lang ngayon o four years ago lumabas ang venom x, pwedeng twenty years ago pa." Ilang minutong katahimikan ang namayani sa aming lahat sa mga sinabi ko.
"Gusto kong makita ang CCTV footage at ang boys dorm." Basag ko sa namuong katahimikan sa amin.
"S-sige Naya." Sagot sa akin ni Cyan kaya lumakad na kami.
Ako, si Cyan, Helios, Eos at Apollo na ang din ang lumakad papunta sa office ni Cyan at sina Styx naman ang magaayos ng ibang problema namin.
"You have that critical thinking and deduction skills, inborn ba 'yan? Napapag-aralan?" Mayamaya ay sabi ni Eos sa akin.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...