KILLERS 47

5 0 0
                                    

(Apollo's POV)





Pinatay agad ng mga kasama namin ang mga naturukan sa south at ang mga hindi ay ginamot. Agad din namin silang inilayo sa south at kasabay ng pag-alis ng mga tao na 'yon sa south ay ang pagkawala rin ng mga kasama nila sa dorms.


At ngayon ay hindi na naman namin makausap si Naya, matapos ang insidenteng iyon bumalik siya sa pagiging tahimik. Hanggang ngayon ay tila shock pa rin siya sa kung anumang nakita niya at hawak niya pa rin ang bagay na dala ng mga 'yon na hindi niya pinapahawak sa amin.


"Naya?" I called her again at this time ay nilingon niya na ako.


Lumapit na rin ako sa kanya matapos ko siyang tawagin, pumasok na ako dahil alam ko naman na hindi siya sasagot. I then smile at her, saka ko hinimas ang buhok niya.


"Nakita niyo ba 'yon Apollo?" mayamaya ay tanong niya sa akin kaya agad akong napaisip pero agad din akong umiling. "Buti na lang hindi, kasi nakakatakot ang hitsura nila. Nakakabaliw 'yon, kaya okay lang na ako na lang ang makakita." agad niyang sabi sa akin kaya niyakap ko agad siya.


"Naya?" tawag ko sa kanya at naiyak na rin ako ng umiyak siya. Naya? Bakit ba nagkakaganito ka?


"Takot na takot ako Apollo, nakakatakot. Ilang beses ko na silang nakita pero nakakatakot pa rin." patuloy na pagsasalita niya. "Naya? Nandito ako, nandito kami. Magpakatatag ka, pakiusap!" pakikiusap ko sa kanya.


Humarap din agad siya sa akin, ipinakita niya sa akin ang hawak niya, kaya napabitaw ako sa kanya. Saka niya pinindot ang bagay na iyon and it lighted yellow.


"Nakikita mo 'to? kapag itinapat ito sa ating tatlo nina Nyx iilaw 'to ng dilaw, nakita mo naman hindi ba? At ibig sabihin tayo ang antidote carrier. At kapag umilaw 'to ng pula ay ordinaryo na tao lamang, iyon ang mga tinuturukan nila, at kapag green ay infected." paliwanag niya na agad ko ring ikinagulat. "Apollo kung may ganito sila, hindi magtatagal mahahanap na nila tayo. At kagabi, lahat ng mga nakaitim na 'yon, lahat sila Apollo -- lahat sila infected. Nakita ko, tiningnan nila ako! Nakakatakot!" salaysay niya habang umiiyak siya.


"Nakita mo sila 'di ba? Nakilala mo ba sila?" tanong ko agad sa kanya.


"Tama ang hinala ko, Apollo. I was right all along," she said again habang nananatili akong nakatingin sa kanya at hinihintay ko siyang magsalita. "Si Mr Alonso, siya si second at hindi ako pwedeng magkamali doon. Tauhan niya ang lalaking may hawak nito na nakita ko Apollo, hindi ako pwedeng magkamali, natatandaan ko siya. Tumingin siya sa akin," she said again.


Napakuyom ang kamao ko saka ko muling niyakap si Naya. Sorry Naya, ngayong alam na namin ang totoo patawaring mo ako sa gagawin ko. Itinurok ko na sa kanya ang pampatulog, saka ko siya kinarga palabas ng kwarto. Iniabot ko rin agad siya kay Frion paglabas ko at nakita kong isinakay na rin nila sa kotse si Nyx.


"Ingatan niyo sila," bilin ko sa kanya pero nagulat na lang din ako ng may bigla siyang itinurok sa akin. "Sorry Apollo."

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon