(Naya's POV)
"Handa na ba ang lahat?" Tanong ko kay Joshua pagdating namin sa conference room ng school. Ipinahanap siguro nila ako para dito, ito marahil ang sinasabi ni Hercules na lahat sila nandito maliban sa akin.
"Oo Naya," sagot niya sa akin.
Nasa kabilang side lang din kami ng conference room dahil magkakaroon ng conference hinggil sa issue ng venom X. Isisiwalat na rin kasi ni Eos at Cyan ang lahat sa mga estudyante kaya inaayos na lahat. Sa tingin ko rin naman ay ito na ang tamang oras para gawin ang bagay na 'yon.
"Alam kong maaaring alam niyo na ang dahilan kung bakit kayo naririto," panimula ni Eos.
Si Eos ang nasa unahan ngayon, at siya ang nagsasalita pero kasama niya sa harap si Cyan. Sinimulan niya rin ang sasabihin sa pagkwe-kwento ng ilang detalye na nangyari last year hanggang sa ngayon.
"At ngayon, pagkatapos ni First ay nagpaparamdam na si Second," Eos continued at tahimik lang namang nakikinig ang lahat sa kanya. "For your safety, we also decided to let you out in this academy dahil napakadelikado na ng nangyayari."
Nagbulungan na rin ang iba hanggang sa lumalakas na ang bulungan.
"We decided na wala na munang papapasukin sa academy na 'to, pero I don't think you can leave kahit na gustuhin pa naming paalisin na kayo," Eos said again na nakapagpatahimik muli sa lahat. "Actually may nauna na kaming pinauwi, sila iyong mga nasusugatan sa engkwentro sa mga infected at sa mga alagad ni second. Pero lahat sila ilang araw lang matapos lumabas ay namamatay, at kung minsan ultimo pamilya nila ay pinapatay rin. So we don't have a choice but to keep everyone here."
Lumakas na naman ang bulungan at alam kong naaalarma sila. Kami rin naman ay nag-aalala lalo na sa mga taga-labas na nadadamay.
"And we wanna ask you now, anong gusto niyo? Lumaban dito o lumabas at mamatay kasama ng pamilya niyo?" natahimik lalo ang lahat dahil sa sinabi ni Eos. "Alam kong mahirap tanggapin, mahirap paniwalaan at parang panaginip lang ang lahat. Pero mananatili na lang ba tayong nakatanga sa sulok habang pinanonood na mawala lahat ng mga importanteng tao sa buhay natin? Naranasan na namin ito noon, at hanggang ngayon lumalaban kami, bakit? Kasi gusto naming mabuhay."
Napatitig lang ako kay Eos, seryosong-seryoso siya, nakikita ko nang pagdating ng panahon magiging magaling siyang pinuno ng organization nila.
"Gusto naming mabuhay pa kasama ang mga mahal namin sa buhay, gusto naming tuldukan ang lahat ng ito ngayon para sa kinabukasan at sa susunod pang henerasyon. Gusto naming ipaghiganti ang mga nagbuwis ng buhay, iyong mga nadadamay, gusto naming makita na sumisikat ang araw na walang pangamba sa dibdib." Lahat nakatutok kay Eos at nakikinig sa kanya. Kitang-kita ko rin ang determinasyon sa kanya. At alam ko na kaya niya 'yan.
"Gusto rin namin na lahat tayo ay maligtas, kaya sana ay magtulungan tayo, gangsters tayo hindi ba? Hindi tayo natatakot hindi ba? Wala tayong inuurungan at malalakas tayo, may prinsipyo, may pagkakaisa. But this time hindi kapwa gang ang kalaban natin, kundi ang mga infected at ang mga alagad ni Second. Lalaban tayo 'di ba? Hindi tayo matatakot at hindi tayo susuko!" Dagdag ni Eos sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Underground Society: KILLERS (Completed)
Mystery / ThrillerKillers - Don't have mercy - Target only and no innocent should be involved - Eliminate the target - Stick to the plan ----------- Killers are heartless Killers are strong They are the best in hiding They are the best at killing They are killing by...