KILLERS 35

1.7K 36 2
                                    

(Naya's POV)





Nakaupo ako sa parehong upuan, madilim, nakakatakot, at kasama ko pa rin doon ang mga lalaking 'yon nandoon pa rin sila.


Napabalikwas ako ng bangon sabay sandal sa headboard ng kama dahil sa panaginip kong iyon, hanggang sa mapadaing ako dahil sa sakit ng katawan ko. Bullshit!


Tatayo na sana ako sa kama kaya lang ay napalingon ako sa gilid ko ng maramdaman kong may mga nakatingin sa akin, saka ko lang nakita sila Eos. Lumapit din agad sila sa akin kaya hindi na ako nakababa sa kama dahil nakita ko rin na mababakas sa muka nila ang pag-aalala.


Niyakap din bigla ako ni Eos kasabay ng pagiyak niya paglapit niya sa akin, kaya hindi na ako nakagalaw. Kasabay niya ring umiyak si Apollo na dali-dali namang lumabas, at sinundan agad siya noong iba.


"Patay na ba ako?" Tanong ko sa mga naiwan naming kasama dahil iniiyakan nila ako, pero walang sumagot sa kanila.


"Tinakot mo 'ko, Naya. Akala ko mauulit na naman iyong noon. Tinakot mo ako ng sobra, halos mabaliw na naman ako," iyak ni Eos ng malakas at yumuyugyog ang balikat niya habang napakahigpit ng yakap niya sa akin.


"Eos?" Tawag ko sa kanya pero hindi siya bumitaw o tumigil sa pagiyak, at lalo lang niyang ibinaon ang muka niya sa leeg ko kaya niyakap ko na lang din siya.


"Ginagawa ko ang lahat para sa'yo, Naya. Ginagawa ko ang lahat para hindi ka mawala sa akin, Naya, kayo ni Nyx, kayong lahat. Ayokong mawala ka sa'kin, kaya kahit nami-miss kita, kahit nag-aalala ako ng sobra, kahit halos mabaliw ako kasi wala ka at hindi kita nakikita, hindi ako umuuwi. Tinitiis ko, ginagawa ko ang lahat kasi ayokong nakikitang ganyan ka pero wala pa rin akong magawa. Wala akong kwenta Naya, hindi ko maalis ang takot mo, hindi pa rin kita mailayo dito. I'm Sorry!" he said while crying kaya lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.


"I'm sorry for not telling you immediately, I'm sorry kung naglihim ako, hindi ko sinasadya. Naghahanda lang ako, patawarin mo 'ko, wala akong balak na ilihim sa'yo ang totoo Naya ko! Mahal na mahal kita, ikaw ang mundo ko kaya hindi ko magagawang maglihim sa'yo dahil alam kong magagalit ka. Kaylangan ko lang 'yong gawin, patawarin mo 'ko!" he cried again.


Pinilit ko ring tanggalin ang pagyakap niya sa akin and he just bow his head at agad niyang hinawakan ang kamay ko habang umiiyak. Hindi niya rin ipinapakita sa akin ang muka niya habang umiiyak siya.


"Alam ko na," I said na agad niyang ikinatingin sa akin. "Pina-imbestigahan kita kasi nakukutuban ko na, and I'm right all along. Magkaiba pala talaga ang mundo natin." I continued.


"I'm sorry, but this is who I am, Naya. Wala na akong tinatago tungkol sa pagkatao ko. Ayoko lang talagang sabihin sa'yo kasi hindi pa panahon, alam mo kasi magulo pa sa bahay namin. Magulo rin ang buhay namin, you know our family never wanted us to be a gangster. Ayaw rin nila kaming pumasok dito pero ipinilit ko kasi gusto kong ipaghiganti ang lola ko, Naya. My lola was killed dahil sa venom X, Naya. I came here for the same reason as you, pero maayos na ang lahat ngayon. Okay na sa bahay, pwede na rin kitang ipakilala sa kanila. Dahil sa'yo 'yon Naya, naging matapang akong harapin ang lahat at huwag ng umiwas dahil sa'yo," Eos said again saka siya ngumiti sa akin kahit na hilam ang mga luha niya. "Kung alam mo lang kung gaano ko ka-gusto na kwentuhan ka ng mga bagay tungkol sa akin at sa buhay ko, pero ngayon pwede na Naya. Okay na, wala na akong itatago pa."

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon