KILLERS 55

3 0 0
                                    

(Naya's POV)






"Mrs Salazar? Kakain na daw!" mayamaya ay hiyaw ng kung sino dahilan para mapatigil kami at napalingon sa sumigaw. Si Frion? Sinong Misis?


Agad kaming natawa ni Wincess ng ma-realize namin ang sinasabi ni Frion na agad namang ikinatingin ni Nyx ng masama sa amin, agad niya rin kaming nilapitan at hinampas hampas habang tawa lang kami ng tawa. Kunyari pa sya kinikilig din naman siya.


"Wala kang asawa dito!" inis na hiyaw ni Nyx kay Frion habang umaahon kami. "Soon, asawa na kita kaya huwag ka ng maarte dyan, halika na!" Frion answered.


Agad na sinabuyan ni Nyx si Frion ng tubig na agad din namang umiwas at hindi natinag sa ginawa ni Nyx, habang tawang-tawa lang kami sa kanila. Agad din kaming lumayo ni Wincess sa kanila at kinuha na lang ulit namin ang towel namin sa kinauupuan namin kanina.


Ibang klase rin talaga 'tong si president kapag bumanat eh. Hindi na namin hinintay ang dalawa na panay ang bangayan habang tawa lang kami ng tawa ni Wincess sa kanila. Hanggang makapasok na kami ng bahay ay ganoon sila kaya wala ring humpay ang pagtawa namin at natigil lang kami ng makapasok kami sa kusina.


"Hoy Mr Salazar tumayo ka na lang walang upuan si Mrs Salazar oh," pangaasar ko sa dalawa at tumawa agad kami ni Wincess dahil doon.


"Naya naman eh!" maktol ni Nyx sa akin habang inaabot ko sa kanya ang upuan na ibinigay ni Frion.


Natawa na naman ako dahil doon at si Frion naman ay casual lang na nakikitawa sa amin pero inaasikaso niya rin si Nyx. Ang weird nga niya ngayon, hindi mo kasi malaman kung gusto niya ba talaga si Nyx o dahil nga sa arrange marriage nila kaya siya ganyan. Kaya pala pa-yuck yuck pa siya noon kapag inaasar ko siya, si Nyx pala ang trip niya.


"Anak?" agad na ngumiti si Mom sa akin ng tumingin ako sa kanya ng tawagin niya ako, napatigil din agad kami sa pagtawa at para bang tumigil sandali sa pagtibok ang pusko ko dahil sa ginawa niya.


Napansin ko rin na parang nangilid pa ang luha niya ng tumingin ako sa kanya. Siguro masaya siya na tinapunan ko na siya ng tingin ngayon, bagay na hindi ko ginawa noong galit na galit ako sa kanilang lahat.


"Sa labas na lang tayo kumain para maluwag, okay lang ba?" agad niyang sabi kaya agad akong napatingin sa paligid. Saka ko lang na-realize na hindi nga pala built sa maramihang guest ang dining room ng villa na ito.


"Kahit saan okay lang, Apollo? Dapat kanina pa lang doon na kayo sa labas," sagot ko saka ko tinawag si Apollo at sinermunan na agad namang tumayo.


"Sige na anak mauna na kayo sa labas kami na ang bahala diyan," Mom said again saka siya muling ngumiti sa akin kaya hindi na ako sumagot.


Nauna na rin akong lumabas kasama ni Wincess at Nyx at sila naman ang nagtulong-tulong na magayos ng mesa sa labas para doon na lang kami kumain. Pinili rin nila 'yong pwesto na malapit sa bonfire at hinayaan na lang din namin sila dahil doon din may puno.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon