KILLERS 53

8 0 0
                                    

(Nyx's POV)







Simula ng mamatay si second ay bumalik na rin sa kani-kanilang buhay ang lahat pansamantala, after all alam naman namin na hindi pa tapos ang lahat dahil nandyan pa si third. At aminin man namin o hindi, malaking tulong din sa aming lahat na pansamantalang kalimutan ang tungkol sa bangungot ng venom X.


Sa ngayon ang balita namin ay lahat sila sa KSU na nag-aaral. KSU was owned by our organization and all of the students there ay mga natatanging mag-aaral na may katangiang maging killer. Actually, KSU was just like DRU but this shool was way organize than DRU. At sa ngayon, they are chosen at inilagay sila sa school na 'to. Libre rin ang lahat dito basta nakapasok ka na at pumayag kang mapabilang sa organization namin.


Limited slots lang din ang meron sa school para sa mga mag-aaral na may potensyal at dahil marami rin ang myembero ng HELLEM GANG, binigyan din sila ng sarili nilang field sa school para maka-relate agad sila. Muka rin namang masaya sila at nakakapag-adjust ng maayos sa bago nilang buhay.


Kami naman nila Naya, Apollo at Wincess ay nananatiling magkakasama. Every week kung saan-saan kami naka-destino. Naggagala kami at naga-unwind and we're happy and contented sa ganoon. Pinabayaan na rin naman kami nila lolo kalaunan, dahil wala na rin naman kasi silang magagawa.


Saka nakatulong din naman ng malaki kay Naya ang ginagawa namin kaya, hindi na sila tumutol pa. Nakita rin naman nila 'yon, ngayon kasi ay mas maaliwalas na ang muka ni Naya kaysa noong pilit nila kaming pinauuwi.


"Killers Society University my next target school." Natawa lang kami ni Wincess kay Apollo, pero parang hindi naman niya kami pinansin.


Ewan ko ba dyan at gustong-gusto niya ang ganyang school. Magpi-pinsan talaga sila noong kambal, ganyan din ang dalawang iyon eh. Ito nga at enjoy na enjoy pa si Apollo sa pagbuklat noong libro na tungkol sa KSU, habang nakaupo kami kaharap niya at si Naya ay nasa kwarto.


"Saan nga pala ang next route natin?" Mayamaya ay tanong ni Wincess sa amin.


Simula noong umalis kami sa bahay ay agad din namang sumama sa amin si Wincess. Nakakatuwa nga rin na game na game rin siya sa mga kalokohan namin. Mabait din siya at hindi siya mahirap kasama.


"Hindi ko rin alam, Wincess. Alam mo naman na si Naya ang taga-plano ng lahat hindi ba?" Sagot ko sa kanya dahil wala namang balak si Apollo na sagutin siya.


Simula noong nakasama na namin si Wincess doon ko siya mas nakilala, she's really smart, kind, sweet, charming and lovable type na nagiging halimaw kapag kaharap si Cyan. Ang weird nga ng dalawang 'yan eh. Ano kayang meron sa dalawa na 'yan?


"Ano? Gala pa rin? Aral naman!" mayamaya ay angal ni Apollo kaya agad ko siyang binato ng tsinelas ko.


Abnormal na  'to, mamaya niyan marinig siya ni Naya ewan ko na lang sa kanya. Siya naman ang kawawa.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon