Chapter 62

324 27 7
                                    

"Tahan na, huwag ka na umiyak." Mahinahong pagpapakalma sa akin ni Ame.








"Ito, uminom ka muna ng tubig." Agad ko namang tinanggap ang binibigay na tubig ni Green at agad itong ininom.








Pagpasok ko kasi kanina sa ICU ay wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak, kaya ang ginawa nina Blue at Green ay inalalayan ako palabas para rito pakalmahin.








Pagkatapos kong maubos ang tubig ay kinuha ito sa akin ni Blue at agad na pinunasan ang luha ko.








Nginitian niya lang ako pagkatapos niyang punasan at alisin ang mga luha sa mata ko.








"T-thank y-you." Sinisinok kong pasasalamat sa kanilang tatlo, tumango naman sila habang nakangiti.








"Nak, mag-pahinga ka muna kaya? Halos isang oras ka rin umiyak nang umiyak." Napalingon ako kay tita Erica dahil sa sinabi niya.








"O-okay na po ako, kaya ko po ang sarili ko." Pilit ngiti kong sagot para hindi na siya mag-alala pa.








"Huwag ng matigas ang ulo, sige na." Nakangiting hinahaplos ni tita ang buhok ko habang sinasabi 'yon.








"Pero tita—" Hindi ko na natuloy ang pag-angal na gagawin ko dahil biglang nagsalita si tito Zyrus kaya napalingon ako sa kanya.








"Tama ang tita mo, mag-pahinga ka muna bumalik ka na lang ulit mamaya. Hindi matutuwa si Zera kapag nalaman niya na ganyan ka." Agad akong natahimik dahil sa sinabi ni tito dahil tama siya, siguradong maiinis si Zera kapag nalaman niya na ganito ako. "Pahinga ka muna, balik ka lang ulit mamaya. Okay ba 'yon?" Nakangiting tanong ni tito.








"S-sige po." Nakangiti ko rin na sagot habang tumatango.








Inalalayan ako ni Ame na tumayo bago kami nagpaalam.








"Samahan po muna namin si Jam, balik na lang din po kami ulit mamaya." Paalam ni Blue.








Agad namang tumango sina tita at tito habang nakangiti. Pagkatapos namin magpaalam ay agad na kaming umalis at dumiretso sa kwarto ko.








Pagdating doon ay agad na kaming pumasok, dumiretso kami ni Ame sa kama ko dahil inaalalayan niya ako habang sina Blue at Green naman ay dumiretso sa sofa.








"Thank you." Nakangiti kong pasasalamat kay Ame pagkatapos niya akong alalayan at tulungan.








Nakangiti lang siyang tumango bago dumiretso sa sofa at umupo. Binuksan ni Green ang tv kaya pare-pareho kaming tahimik lang habang nanonood.








Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng may maalala ako.








"Saan pala sina mommy?" Nagtataka kong tanong sa kanila.








"Umuwi muna sila saglit kaya kami muna ang nag-bantay sa'yo." Sagot ni Ame.








"Pero babalik ba sila ulit dito?" Tanong ko ulit.








"Oo, kukuha lang daw sila ng damit mo tapos didiretso raw sila sa presinto para puntahan ang lolo mo." Biglang humina ang boses ni Green sa huling sinabi niya pero kahit gano'n ay narinig ko pa rin naman.








You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tears Of PainWhere stories live. Discover now