Kung maibabalik ko lang sana. Kung di kaya ako umayaw noon? Kami pa kaya sana hanggang ngayon?
Kung hindi lang sana ako naging duwag sa nararamdaman ko para sakanya siguro hindi ako nagasisisi ngayon.
Naalala ko pa yung mga huling sinabi niya.
"Hindi mo ako binigyan ng chance para ipakita ko sayong totoo yong nararamdaman ko. Nakipagbreak ka kasi natatakot kang iwan kita? Natatakot kang baka mababaw lang tong pagmamahal ko para sayo? Na hindi ko kayag panindigan lahat ng mga pangako ko? Guess what. Ikaw itong mukhang mababaw lang ang nararamdaman dahil ganito mo lang ako kadaling bitawan at ikaw din tong di tumupad sa mga pinangako. And now? I'm done thanks for killing and breaking my heart coz now? I will not feel the pain anymore."
Tagos sa puso. Hanggang ngayon paulit ulit pading nagrereplay sa utak ko yang mga yan.
Kamusta na kaya siya? Naalala pa ba niya ako? Naiisip paba niya maski ang pangalan ko lang? Nung huli kaming nag usap halong galit at sakit ang nakita ko sa mga mata niya. Selfish ako noon alam ko. Sarili ko lang iniisip ko. Kung masasaktan ako, maloloko o maiiwanan kaya nagpadalos dalos ako.
Hindi nadin ako aasahang magkikita pa kami. It's been 4years. Tagal na. Pero hanggang ngayon malinaw pa ang mga alaalang yun sakin.
My first love. My one true love.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima