#37 The breakfast

547 37 3
                                        

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nang gagaling sa malaking bintana.

Nakahubad padin ako sa ilalim ng kumot at may brasong nakapulupot sa akin.

Tinignan ko siya, tinitigan ang mukha niyang matagal kong di nakita. Ang gwapo niya, ang amo ng mukha niya na di mo aakalaing kaya niyang gawin yung ginawa niya sakin kagabi. Parang may humaplos sa puso ko. Ikaw padin kaya yung Kris na minahal ko?

Kasama ko siya, nakayakap siya sakin at dahil doon masaya ako, kahit na walang kasiguraduhan ang lahat, kahit na hindi ko alam kung anong kahahantungan ng lahat ng gagawin ko. Okay na ko. Magiging okay ako.

Dahan dahan kong inalis ang kanyang braso sa katawan ko. Pagkatayo ko'y naramdaman ko sa ibaba ko ang hapdi sanhi ng nangyari kagabi.

Pinulot ko ang undergarments ko at ang dress kong may malaking punit. Buti nalang at ilang lakad lang ay Unit ko.

Pagkarating ko sa unit ko ay pumatak na ang mga luhang pinipigilan ko kanina. Ang sakit na ganon nalang ang kailangan sayo ng taong mahal mo. Isang parausan. Pero titiisin ko bumalik lang siya.

Buti nalang at hapon pa ang klase ko. Inalis ko ang mga luha sa aking pisngi at nagtungo sa banyo para sa mabilisang ligo. Ipaghahanda ko siya ng breakfast niya.

Nagluto ako ng sunny side up, bacon at hotdog at nagsangag din ako ng kanin.

Buti nalang at kahit papano alam ko ang mag prito.

Nagdorbell ako sa kanyang unit. Nakailang doorbell ako di padin niya bunubuksan. Tulog pa kaya ang isang to?

Tatalikod na sana ako para bumalik sa unit ko ng narinig kong nagbukas ang pinto.

Nagulat ako dahil di ko inaasahan ang taong magbubukas sakin ng pinto. Parang tumibok yung puso ko ng sobrang lakas. Yung tibok na masakit? Yung hindi mo kakayanin yung sakit?

Ang tangkad niya. Naka blonde ang kanyang maiksing buhok. Nakaredlipstick siya at posturang postura. Artistang artista talaga siya. Samantalang ako, nakashorts at nakasuot ng mahabang Tshirt.

"Sino sil--....Victoria?" Nagulat din siya ng makita ako. Nanlaki ang mata niya.

"Ahhmm...Hi?" Awkward kong bati sakanya. Dahil di ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Let who's that?" Narinig ko si Kris sa loob.

"Uhmm...S-si Victoria" Sagot niya.

"What do you want?" Pagalit na tanong ni Kris. Ng lumapit siya sa pinto.

"D-dinalhan lang K-kita ng breakfast." Nakayuko kong sabi. Mata ko please makisama ka. Mamaya kana. Please.

"Kumain na ko ng dala ni Let. And I'm full." Malamig niyang sabi.

"Ahh. O-Okay. Sorry sa istorbo." Tumalikod na ko sa kanilang dalawa dahil feeling ko sasabog na ko sa nararamdaman kong sakit at pagpapahiya. May nexttime pa Vic. Fight.

Bago pa nila isara ang pintuan ng unit ni Kris ay narinig ko pa silang dalawa.

"Bakit ganon ka sakanya? Ang harsh mo. Tyaka wala naman akong dalang pagkain ah." Sabi ni Violet.

"Tsss. Hayaan mo siya. She deserve it." Sagot ni Kris at sinarado na ang pinto.

Inilapag ko ang mga pagkaing sa tingin ko'y wala ng kakain sa may mesa at deretsong pumasok sa kwarto. Binagsag ko ang aking katawan sa kama at umiyak ng umiyak. Sobrang sakit pala. Naipon lahat lahat ng sakit. I know I deserve it. I deserve this punishment. Because I broke his heart. Pero bakit ganon? I broke into pieces too. Nagkapira-piraso na dinurog-durog pa.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon