Ang sakit.
Nakita ko si Kris na nakapatong kay Violet. Parang pinipiraso tong puso ko. Para akong mamamatay. Namamanhid yung mga paa ko. Di ako makagalaw.
Napahawak ako sa bibig ko sa sobrang gulat. Di ko namalayan na may luha na palang lumalandas sa pisngi ko. Ganito? Ganito ba yung sinasabi nilang love? Masakit? Kung ganito din pala kasakit magmahal, bakit ang dami padin taong gustong magmahal.
"K-kris?" Mahina kong tawag sakanya. Nagulat siya ng makita akong nakatayo sa pintuan. Kaya agad siya tumayo sa ibabaw ni Violet at lumapit sakin.
"Mali ang iniisip mo Vic." Sabi niya habang naglalakad siya palapit sakin. Nakita ko si Violet sa kanyang likod na may nakakainsultong ngiti.
Umaatras lang ako habang lumalapit siya. "W-wag kang lalapit sakin!"
"V-vic. Let me explain. Fuck! It's not what you think." Natataranta niyang sabi. "Mali ang iniisip mo." Ulit nito. Naamoy ko ang alak sa kanya. Ang bata bata pa nila para uminom. At ang bata bata pa nila para gawin to.
"Mali iniisip ko? So ano ba ang dapat kong isipin ha! Kris?" Sigaw ko sakanya.
"Aksidente lang kaming natumba----"
"Fuck your reasons too De Lima! Alam ko! Alam ko na may kasalanan ako! I'm here to apologize. I'm here to say sorry! Kasi alam kong mali ako! Tapos....tapos ganito pa yung makikita ko? Uminom ka tapos...urgh! I hate you!"
Naglakad na ko pababa sa hagdan at agad naman niya akong hinabol.
"Vic! Bat umiiyak ka?" Tanong ni Lea.
"L-lets go." Tangi kong nasagot sakanya.
"Vic! Let me explain first!" Hinigit niya ang ang braso para mapaharap sakanya at di ko napigilan ang sarili ko. Sinampal ko siya ng malakas na animoy mamanhid na tong kamay ko.
"Gago ka!" Tangi kong nasabi sakanya at umalis na sa lugar na yun
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Marie habang nakasakay kami sa taxi pauwi. Umiiyak padin ako hanggang ngayon. Ang hirap pigilan.
"Dapat pala di nalang namin sinabi kung nasan siya. Nasaktan ka tuloy. I'm sorry girl." Sabi naman ni Lea.
"O-okay lang. Atleast nalaman kong ganon pala siya." Sagot ko naman sakanila habang humahagulgol padin sa pag iiyak.
Nakarating ako sa bahay ng magang maga ang mga mata. Nakita ko si Daddy at si mommy sa lamesa at kumakain na. Bineso ko silang dalawa at aakyat na sam sa kwarto ng pinigilan ako ni Mommy.
"Anak. Kumain ka muna. Minsan nalang tayo magsasabay sabay eh. Halika na." Sabi ni mommy.
Bakit si mommy at daddy ang saya nila. Bakit parang ang perfect nilang dalawa. Hanggang ngayon kahit na busy silang pareho sa trabaho nila ay nagagawan padin nila ng paraan para di sila mawalan ng oras sa isa't isa.
Umupo ako at nag simula ng kumain.
"Vic. Bakit parang ang tamlay mo?" Tanong ni Daddy. "Umiyak kaba?"
"No Dad. Medyo masama lang po ang pakiramdam ko."
"You sure?" Dad
"Yah Dad."
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ko sa kwarto, nagshower at humiga sa kama. Ano nga pala yung sinasabi ni Marie kanina? Tinatanong niya kung nagbukas na ko ng facebook ko kanina. Anong meron sa facebook ngaun?
Agad naman akong nag log in at nasaktan nanaman ako sa bumungad sa newsfeed ko. Picture ni Violet at ni Kris. Nasa kama sila. I think yung sa dimensions to. Nakatulog si Kris at naka toplesa while si Violet ay nakangiti lang sa picture with a caption:
With him. <3
It hurts like hell! Ganito ba? Ganito ba yung sinasabi nilang masarap na feeling pag inlove? Kung ganito lang din pala kasakit ayaw ko na.
Unti unti nanamang pumatak ang mga luha ko sa pisngi ko. Hindi ko nadin mapigilan ang bawat malalakas na pag hikbi ko. Pakiramdam ko kasi sasabog ako ano mang oras pag pinigilan ko to. Gusto kong ilabas lahat. Lahat lahat yung tipong walang matitirang sakit? Ganito pala talaga kasakit pag nagmahal ka. Akala ko sa mga teleserye lang yung may ganito. Pati pala sa totoong buhay may ganito din. And the worse is sa edad kong to? Pano pa pag tumanda na ko? Mas grabeg sakit ba?
"B-baby. Are you okay? May I come in?" Nag aalalang tanong ni mommy habang kumakatok sa aking pintuan.
"Sure mom." Sabi ko at pinusan ang mga luhang nasa pisngi ko gamit ng aking mga palad.
"You're crying baby? Why?" Tanong ni mommy at umupo sa bandang paanan ng aking kama.
"No mom." Sagot ko naman sakanya.
"Don't lie." Sabi naman niya.
"Mom, can I ask something?" Tanong ko sakanya.
"Go ahead baby." Mom
"Nasubukan mo na bang mainlove nung 15years old ka? Tapos nasaktan ka?"
"You're inlove baby?" Makahulugang tanong ni mommy.
"Uhmmm. No my. Please answer." Pagpapatuloy ko sakanya.
"Yes. Nainlove na ko noon. I thought siya na nga yung makakatuluyan ko eh. Then one time he left. Doon ako nasaktan. Super. Umiiyak din ako noon. Pero kita mo naman ngayon. I have my Alfred now your dad. Kaya okay na din sakin yung nangyari noon. Alam mo baby. Bata kapa. Madami pang mang yayari at dadating sa buhay mo. Masaktan ka man ngayon pag dating ng panahon, magpapasalamat kang nangyari yun. You're just 15 baby. Enjoy life. At tyaka kung kayo naman talaga, kahit ano mang mangyari, kayo padin." Sabi ni mommy.
"Pero pano...pano pag nagcheat siya sayo?" Tanong ko.
"Every body deserves a 2nd chance. Hay nako anak. Dalaga ka na nga. Akala mo di ko alam na boyfriend mo pala tong anak ni Mr. De Lima?"
Sabi niya na. Nagulat ako sa sinabi niya. Pano niya nalaman? Goodness!"I'm s-sorry my." Tangi ko nalang nasagot sa sinabi niya. Kilala pala niya ang pamilya nila.
"It's okay. Lahat naman dumadaan sa ganyang stage. Basta ang sakin lang studies first. Key baby? Osya. Matutulog na ko. Goodnight. I love you." Then she kissed me.
"Goodnight too my. I love you too."
Naglakad siya palabas na sa kwarto ko at bago niya isara ang pinto ay may sinabi pa siya.
"Pakinggang mo ang paliwanag niya. Ikaw din baka magsisi ka."
Papakinggang ko pa ba siya? Maniniwala paba ako sa mga sasabihin niya? Ngayong nahuli ko sila sa akto? May maipapaliwanag ba siya kung bakit mag kasama sila? I'm so mad and jealos at the same time. I hate this feeling but I love him.
Mapagkakatiwalaan ka ba talaga Kris?
BINABASA MO ANG
Win Him Back
قصص عامة"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima