#34 Puting panyo

516 40 9
                                    

Pag kagising ko ng umaga ay binalot ako ng sobrang katamaran na halos ayaw ko ng bumangon sa kama. Pero di pwedr dahil kailangan kong magreview para bukas. Nakakainis naman kasi yung mga kaibigan ko eh. Nag rurush tuloy ako.

Habang nasa study table ako ay biglang nag ring ang aking cellphone. Isang unknown number ang nakarehistro sa caller. Kumunot ang noo ko dahil sa tumatawag. Sinagot ko din naman agad ito.

"Hello?" Sabi ko, pero walang sumasagot.

"Hello? Sino to?" Tanging paghinga lang nag tumatawag ang naririnig ko.

"Sino ba to!" Irita kong sabi sakanya dahil di siya sumasagot. Kaya i-end ko nalang ang call at nagsimula ulit mag aral.

Pagkatapos ng ilang sandali ay may tumawag ulit na unknown number. Irita ko itong sinagot.

"Sino ba to! Kung ayaw mong magpakilala. Wag kang tumatawag!" Sigaw ko.

"Ahh..uhmm Hello Vic? Si Isabella to. Pwede ka ba ngayon?" Mahinhin niyang sabi.

"Ayy. Sorry. Ikaw pala..bakit? Anong meron?"

"Magpapasama sa-sana ako sa mall. Ikaw lang kasi ang kilala ko dito sa Maynila. Bi-bibili sana ang regalo. Uhmmm...Kung okay lang naman sayo." Sabi niya.

"Sure. Ngayon na ba?" Pano ko naman tatanggihan ang isang to. Mukha siyang babaeng di makabasag ng baso.

"Oo sana eh. Uhmm... Actually andito ako sa labas ng King tower."

"Ha??? Uhmmm wait lang bababa ako." Sabi ko at pinatay ng ang tawag.

Dali dali akong sumakay ng elevator, nakapangtulog pa ko. Maiksing shorts at malaking tshirt. Dapat kasi kanina pa siya tumawag eh.

"Isabella! Tara sa unit ko. Dapat kanina kapa tumawag."

"I'm sorry talaga. Biglaan kasi." Sabi niya.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang elevator.

"Kanino mo ba ireregalo?" Tanong ko.

"Ah...ehh...sa kaibigan ko." Namula ang kanyang pisngi sa sagot niya.

Ng makarating kami sa unit ko ay pinaupo ko muna siya sa munti kong living room.

"Want something? Coffe? Juice?" Tanong.

"Tubig nalang." Sabi niya at ngumiti.

Kinuhanan ko siya ng tubig at inilapag sa harap sa table malapit sakanya.

"Maliligo lang ako Okay?"

"Sure. Take your time.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay iniyaya ko na siyang umalis.

Nagtaxi kami papuntang Mall. Kung bakit ba kasi tamad akong magdrive eh. Kinakalawang na siguro yung kotse ko sa bahay.

Umikot ikot kami sa mall naghahanap ng pwedeng iregalo. Pagkatapos naming makahanap ay nakaramdam kami ng sobrang gutom. Napagpasyahan muna naming kumain sa isang Korean restaurant.

Ng makaupo kami ay kinuha ng ng waiter ang aming order pagkatapos ng ilang sandali ay dumating na ito at nagsimula na kaming kumain.

Ng kumakain kami ay nagsimula kaming mag kwentuhan. Taga probinsya pala siya.

"Saan ka nag aaral? Di kita nakikita sa Lux University ah." Tanong ko.

"Ah. Mahal dun sa school niyo eh. Sa isang public school lang ako, yung pinapasukan ng mga studyanteng kapos." Sagot niya.

"Ha? Pwede ka namang maging scholar sa Lux ah. Ako scholar ako dun. Sayang din kasi eh."

"Matalino ka eh. Ako hindi naman ganon katalinuhan."

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon