Makaraan ang isang buwan ay nakatira na nga ulit ako sa bahay namin. Ipinaupa ko muna ang condo ko.
Mas maganda nadin yung ganito. Yung hindi ko sila nakikita. Hindi nadin ako sumasama sa dimensions pag may happening's. Di naman nadin nila ako pinipilit dahil siguro alam nila ang dahilan ko. Bumabawi nalang ako sa school sakanila.
Sabado ng umaga habang nanonood ako ng isang cartoon show habang kumakain ng popcorn ay napansin kong Tinging ng tingin sakin si manang habang nag lilinis.
"Bakit manang?" Kunot na tanong ko sakanya.
"Wala naman. Parang tumaba ka ata." Sagot niya.
"Ah ganon po ba? Masarap po kasing kumain ngayon eh." Tumawa ako sakanya.
"Wala ka bang balak puntahan ngayon?" Tanong niya sakin.
"Wala manang. Tinatamad po akong lumabas eh." Kibit balikat kong sagot sabay kain ulit ng popcorn.
This past few days, hindi ko alam kung bakit inaatake ako ng sobrang katamaran. Sa school habang nag kaklase ay antok na antok din ako.
*dingdong*
"Ah teka at titignan ko kung sino yun." Sabi ni Manang at iniwan ako sa sala.
Pagkabalik niya ay may dala na siyang tatlong asungot este tatlong kaibigan ko.
"Hi! Girl!" Maligayang sabi ni Lea.
"Anong meron?" Tamad na tanong ko.
"Ganyan ka ba bumati sa bisita mo bespren?" Sarcastic na sabi ni Vonn..
"Swimming tayo girl! Sa dimensions." Sabi ni Marie habang pumapalakpak.
"Busy ako." Sagot ko ulit sakanila.
"Oo. Busy kang nanonood ng Kids tv show. Tara na. Wala doon si You know." Sabi naman ni Lea. Siguro dahil niyayaya ako dahil nga wala siya.
"Sige na!" Pagpilit ni Lea. "10am na nakapajama kapa. Tayo na!" Hinila hila niya ako.
"Oo na." Sabi ko at umakyat na ko sa kwarto.
"Hmmmp!" Singhap ko ng maamoy ko ang air freshener sa aking kwarto. Bakit parang ang baho.
Naligo ako ng mabilis dahil alam kong maiinip ang mga yun doon.
Inayos ko din ang swim suit na gagamitin ko mamaya.
Pagkababa ko ay kumakain na sila ng Pan cake na gawa ni Manang.
"Tara na?" Tanong ko.
"Ang pogi talaga ni Rivo at nung mga kagrupo niya. Di ako makapaniwala na Bestfriend mo pala siya. Sana mag concert ulit sila. Hayy." Sabi niya habang nakatingin sa TV. Music video nanaman nila yung nakabalandra sa TV.
"Pag uwi niya ulit dito sa Pinas baka dito siya tumuloy. Ipapakilala kita ng mabuti sakanya. Kaya tara na!" Sabi ko.
Tumayo naman sila at naglakad na kami palabas ng bahay kung saan nakapark ang sasakyan ni Vonn.
"Asan sila Allen, Chrissmon, Charles at Sanford?" Tanong ko.
"With their girls. Andun na sila" Kibit balikat na sagot ni Vonn.
"Pati si Allen may babaeng kasama?!" Gulat kong tanong. Ipapakilala na kaya niya yung babaeng sinasabi niya?
"Tss..wala ng pag asa yun. Yung kambal niya yung kasama niya." Sagot ni Vonn. "Parehas ata sila ng kapatiran ni nitong si Leo eh?" Sabi niya sabay tawa.
"No I doubt. Magaling akong kumilatis ng mga kauri ko." Pagtatama naman ni Lea.
Ng makarating kami sa dimensions ay dumeretso ako patungo sa mga girls.
"Hi Isa! Hi Alli!" Nagbeso ako sa kanilang dalawa. Namiss ko sila.
Bumaling ako sa isa pang nakaupo. Teka? Ito yung boyish na nasa Bar. Yung nanapak kay Sanford.
Pero parang iba na yung aura niya. Hindi na siya lalaki manamit. At masasabi kong mas gumanda siya.
"Uhmm...Hi! I'm Kenna." Awkward siyang ngumiti.
"I know you." Ngumiti ako. "Ikaw yung nanapak kay Sanford sa Bar. You're with him?" Tanong ko.
"Uhmm...Oo. Sinama niya ako." Sagot niya.
"I'm Victoria. Vic for short." Sabi ko at naglahad ng kamay sakanya.
Lumalove life na ang mga kaibigan ko ah.
Ilang saglit pa ay dumating si Charles at may kasamang babae. Nakahawak ang kamay ni Charles sa bewang ng babae at nagtatawanan silang dalawa.
Ito yung babaeng nasa dimensions noon.
"Oh. Pakilala mo naman yan Bro." Sabi ni Sanford habang nagyoyosi.
"Guys this is Chandria. Uhmm my girlfriend." Sabi niya.
Girlfriend? So kaya pala ganon ang naging ekspresyon niya noong makita kami ni Charles na nagyayakapan sa harap ng CR. Kaya pala.
Pero hinalikan niya ako nung nasa condo kami kasama ng mga kaibigan ko. Ano ibig sabihin noon?
Ipinagsawalang bahala ko nalang yun. Ang maganda ay masaya sila ngayon.
"Finally Charles." Tapik ni Chrissmon sakanya.
"Uhmm. Hi! I'm Chandria." Ngumiti siya. She looks innocent, and cute. Bagay sakanya ang buhok niyang hanggang sa leeg niya.
Nakipag kilala kaming lahat sakanya.
"Kilala kita Victoria. Palagi kang nakikwento ni Charles sakin noon eh." Sabi niya at tumingin kay Charles.
Namula naman si Charles sa sinabi niya. "Ano ka ba Chan. Tagal na noon. Tara upo ka na muna." Sabi naman niya at nagtungo na sila sa mga upuang andoon.
Well nag mala Valentine's day ngayong araw na to ah. Lahat sila may partner. Even Lea, wag kayo. May boyfriend siya..
Hayy. I guess kakain nalang ako.
Tinignan ko ang mga pagkain sa mesa. Ng makita ko ang adobong manok na nandoon ay biglang umikot ang sikmura ko. At dahil dito'y naduwal ako.
"Vic. Okay ka lang?" Tanong ni Isa ng mapansin niya ako.
"O-okay lang. Di ko gusto ang amoy ng adobo. Panis na ata." Sabi ko, habang nakahawak sa ilong ko.
"Ha? Okay naman to ah. Kakaluto lang yan kanina at matagal mapanis ang adobo." Nakakunot noo siya.
I don't know. Bakit ganito. Siguro ay di ko lang type ang adobo ngayon.
"Hay nako Vic. Kung di ko lang alam na wala kang boyfriend iisipin kong buntis ka." Biro niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Omg! Bat di ko naisip yun? 1month na akong delayed. Di naman ako nababahala dahil pag na sstress ako. Nadedelayed talaga ang dalaw ko. Pero iba ang pakiramdam ko ngayon.
We had unprotected sex 3times I guess. So may posibilidad kaya? No......Hindi pwede. Sht.
"Oh si Kuya Top. Andito na!" Sigaw ni Allen na siyang nagpabalik sakin sa ulirat.
Napatingin ako sa lalaking tinutukoy nilang Top.
"Kristoff?!"

BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima