"Gurl, kamusta na kayo ni Kris? Okay na ba kayo?" Tanong ni Lea habang kumakain kami dito sa feild. Sobrang daming tao kasi ngayon sa cafeteria eh.
"Ewan." Walang buhay kong sabi. Tinetext ko kagabi hindi nagrereply. Nakakawalang gana naman oh!
"Nakita ko sila ni Violet kanina. Yung 2ndyear? Sabay silang pumasok. Hawak pa ni Kris yung mga gamit ni Violet hinatid pa ata niya sa room nila kasi dumeretso sila sa building ng mga sophomore." Walang prenong sabi ni Marie.
Tinignan ni Lea si Marie ng matalim na manahimik-kana-may-nasasaktan-dito look.
"Oopps. S-sorry." At nag peace sign lang siya saming dalawa ni Lea.
Ayan tuloy. Nagbabadya nanamang lumabas yung mga luha ko.
"O-okay l-lang." Sabi ko at ngumiti. Pero di ko din napigilan ang sarili ko kaya napahagulgol nadin ako. As in yung malakas talaga. Tinatakpan ko ang mukha ko gamit ng dalawang kamay ko. Nakakahiya umiyak nanaman ako sa harap nila.
Lumapit lang sila sakin at niyakap ako ng sobrang higpit. I'm so glad may mga kaibigan akong kagaya nila.
"Sige lang gurl. Iiyak mo lang yan. Bakit ba ganyan yang Kris na yan parang sira. Itanong mo nalang kasi kung gusto ka pa niya oh ayaw na para di ka nagmumukhang tanga." Sabi ni Lea.
"N-natatakot ako." Sobrang lakas padin ng iiyak ko hanggang ngayon.
"Ayy gaga! Kayanin mo!" Sabi naman ni Marie sakin.
Oo. Tama kailangan ko siyang makausap tungkol sa sitwasyon namin ngayon. Bakit bigla siyang naging malamig sakin? Bakit palagi silang mag kasama ni Violet? Ayaw na ba talaga niya sakin? Ako nalang ba yung nag mamahal dito?
Kakausapin ko na siya. Ngayon din. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at denial ang kanyang numiro. Mga ilang segundo lang ay sinagot nadin agad niya to.
"Hello." Walang emosyon niyang sabi. Hindi manlang siya nasiyahang tumawag ako sakanya. Hindi kagaya ng dati.
"Mag usap tayo. Sa likod ng gym. Ngayon na." Sabu ko sakanya. At pinilit na itago ang pag hikbi ko.
"Importante ba? Yan kasi si Viole---"
"TANG INA NAMAN EH KRIS! PUMUNTA KA NALANG! BYE!" Di ko na napigilang hindi magmura. Puro Violet na ba ngayon? Hindi na ba Vic? Ang sakit lang isipin. One day ipapakita niyang napakaspecial ka sakanya, the second day para ka nalang hangin yung tipong wala siyang pakialam.
Nagmadali akong pumunta sa likod ng gym. Dun kasi walang tao eh..
Pagkadating ko ay andun na pala siya nakasandal sa may puno at nakapamulsa ang dalawang kamay sa kanyang bulsa.
"Ano yun Vic?" Agad na tanong niya.
"Ano na ba tayo ngayon?" Malamig na tanong ko sakanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wag kang magtanga tangahan Kris. Ano na ba tayo ngayon? Bakit hindi ka namamansin! Bakit iniiwasan mo ko! Bakit ha! Bakit!" Di ko na napigilang hindi umiyak sa harap niya. Sinuntok ko kanyang dibdib at hindi siya umihilag sa bawat suntok ko. Tinatanggap niya lang ito na parang sinasabi niyang deserve niya yung ginagawa ko sakanya.
"Ano ha! Bakit hindi ka magsalita ha! Bakit! Ano sawa kana agad sakin! Ayaw mo na sakin! Kasi ano? Ano Kris! Dahil sa nangyari nung minsan! Ano dahil di ako marunong ganon ba!" Hingal kong sabi sakanya. Napagod nadin ako sa kakasuntok ko sa dibdib niya. "Sabi mo m-mahal mo ako." Mahina kong sabi sakanya. Feeling ko kasi nawalan na ko ng lakas para sumigaw.
Umamba akong aalis pero hinigit niya ang aking kamay at hinila pabalik sakanya. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.
"I'm sorry Vic." Tangi niyang sinabi habang nakayap padin siya sakin ng mahigpit.
Tinulak ko siya ng malakas." You're a jerk. I hate you." Sabi ko at aalis na sana ulit ng hinigit niya ulit ako para makaharap sakanya. Kitang kita ko ang seryoso niyang mga mga mata na nakatitig lang sakin.
"Iniiwasan kita oo! Kasi baka di ko mapigilan yung sarili ko! Gusto ko munang lumayo sayo! Kasi pag malapit ka sakin iniisip ko yung mga bagay na yun na di ko pa dapat gawin ngayon. Ayaw kong gawin sayo yun kasi maaga pa. Bata pa tayo. Pero hindi eh. Pag malapit ka sakin lalo na pag tayong dalawa lang nahihirapan akong pigilan. Gustog gusto ko ng gawin sayo yun!" Frustrated niyang sabi. Ginulo niya ang kanyang buhok at tumingala na animo'y nag pipigil.
"Hindi kita maintindihan Kris." Kunot noo kong sabi sakanya.
"My God Vic! Ang inosente mo kasi eh! Shit!"
"Sabihin mo nalang kasi kung anong problema mo!" Sigaw ko ulit sakanya.
"Nilalayuan kita kasi baka pag lumapit ako sayo lalo na pag mag kasama tayong dalawa ay baka maangkin na kita! Gustong gusto na kitang angkinin kasi ayaw ko ng mawala ka sakin!" Sigaw niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Anong angkinin? You m-mean...
"Oo! Victoria. Sex" Kabud niyang sabi dahil halata niya sa ekspresyon ng mukha kong nagtataka sa sinabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya di agad ako nakapapagsalita. Nanlalaki pa ang mga mata ko sa huling sinabi niya. Sinabi ba talaga ang "S" word?
"Ngayon palang gusto na kitang buntisin. Para di kana makawala sakin. Para may pang hawakan ako sayo. Kasi natatakot na akong mawala ka sakin. Pero alam kong ang selfish ko kung gagawin ko yun. Nanakawin ko yung kamusmusan mo para sa sarili kong kaligayahan. Plinano ko na gawin yun nung nasa Bakan tayo. Kaso di ko kaya. Kasi naisip kong pag ginawa ko yun. Parang inalis ko nadin sayo yung mga pangarap na gusto mong marating. Nahihiya ako sayo. Kaya ako umiiwas. I'm sorry." Sabi niya sabay yuko.
Hindi ko naisip na yun yung dahilan niya. Hindi ko naman siya iiwanan eh.
"Hindi naman kita iiwan eh. May pinanghahawakan ka naman eh. Yung mga sinabi kong 'Mahal kita' ayun yun. Mamahalin kita hangga't mahal mo ako. Tandaan mo yun Kris. K-kahit naman di natin gawin yung bagay na yun ngayon sayo padin naman ako eh. Please naman wag ka namang mag isip ng kung anu-ano. T-tyaka bata pa tayo para gawin yung mga bagay na yun." Sabi ko sakanya. Hindi naman kasi porket di kayo nag ganun eh hindi niyo na mahal ang isa't isa eh. At din ibig sabihin nun na iiwanan ko na siya kung di nangyari yun. Hayy.
"Kaya nga I'm sorry eh. Baka sabihin mo ganon ang manyak ko ah." Sabi niya sabay tawa ng mahina..
"Manyak ka naman. Kakapanood mo ng porn yan." Sabi ko sabay tawa ng malakas.
"Hoy! H-hindi ah!" Namula ang kanyang pisngi sa sinabi ko. Sus kunwari pa to.
"Uyy si Kris gusto na maging mister." Asar ko padin sakanya. Ayan nawala na yung bangayan namin namin kanina. Okay na ko. Kasi nalaman ko na yung mga dahilan niya.
"Oo gusto ko na maging mister mo. Misis ko." Sabi naman niya sabay kiliti sakin.
"T-tama na...hahhaha..sabing---.....K-ris....hahaha!isa!" Nagpagulong gulong kami dito sa damuhan ng biglang
"Kuya Kris! Si Violet!"
"Shit" Sabi ni Kris sabay tayo at umalis. Di na niya nagawang magpaalam at ako naman naiwang naka nga nga. Kanina ang saya na namin eh.
Ano bang meron sainyo Kris at Violet?
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima