"Ikaw nga ba talaga yan!? OMG!" Sabi ko. Ang tagal na nung huli ko siyang nakausap.
Bestfriend ko siya since grade 1 pa ko. Then noong mag hihighschool na kami napagpasyahan ng pamilya niyang tumira na sa Korea para mag aral at pasukin at maging trainee sa isang Entertainment. At ngayon Isa na siyang Kpop idol na sikat na sikat sa loob at labas man ng Asia. Last na nakausap ko siya ay nung grumaduate ako ng highschool.
"Miss me?" He chuckled
"Pano kita mamimiss? E puro grupo mo at mukha mo yung nakikita ko sa MYX." I chuckled too.
"Sus! Kunwari ka pa Gowgow." Ayan nanaman siya sa tawag niya saking Gowgow. Galing sa second name kong Margaux. Pero sa totoo lang nakakamiss din pala yung pagtawag niya sakin nun.
"Oo na. Bowbow." Akala niya ha.
"Ano ba naman yan. Tunog bobo." Tumawa siya.
"Teka nga...Bat ngayon ka lang nagparamdam? Alam mo bang nagtatampo ako sayo ha! Porket sikat kana eh!" Umirap ako kahit alam ko namang di niya yun makikita.
"Babawi ako. Actually I'm here in front of your unit." Sabi niya.
Bigla akong napatalon sa kama. Totoo? Andito talaga siya?
"W-ee? Joke to?" Tanong ko.
"Ano ba yan! Gusto mo bang dumugin ako ng mga tao dito? Yung mga tao sa lobby nakakahalata na kanina. Buksan mo nalang to pwede?" Sabi ulit niya.
Nagmadali akong naglakad papunta sa pintuan ng unit ko. Agad ko tong binuksan, At laking gulat ko ng tumambad sakin ang pinakabest friend ko. Tumalon ako sa kanya sa sobrang saya ko.
Ang laki ng pinagbago niya, Dati ang taba taba pa niya. Mukha na siyang koreano ngayon. Mukha na talaga siyang superstar sa Korea. Nakasuot siya ng Jacket Ballcap at nakashades ng malaki siguro para di malaman ng mga tao na siya yun.
"Rivo! Andito ka nga!" Hinalik halikan ko ang kanyang pisngi. Namiss ko talaga siya.
"Ang bi-bigat mo Vic!" Sabi niya habang tumatawa.
Pumasok kami sa unit ko. Pinaupo ko siya sa sofa ko.
"Rivo, anong gusto mo? Juice, Kape, Softdrinks...Ano?" Mabilis kong tanong sakanya. Excited na akong makipagkwentuhan sa kanya,
"Wala bang alak jan? Ang tagal ko ng di nakakainom ng alak ang istrikto kasi ni Manager hyung eh." Sabi niya , nakalagay na ang kanyang mga paa sa maliit na table ko sa harap ng flat screen TV ko.
"Meron. San Mig nga lang." Sagot ko naman sakanya.
"Okay na yun. Dali na." Sabi niya, at isinindi ang TV.
"Ano palang ginagawa mo dito sa Pinas? Di ba kayo busy ng mga kagrupo mo?" Tanong ko ng inilipag ko ang mga San Mig. At umupo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima