#10 Goodbye

553 49 4
                                    

"Oh bat parang byernes santo yang mukha mo? Nanalo ka dapat masaya ka." Sabi ni Charles habang nag aabang ng taxi dito sa shed ng school. May practice si Marie sa volleyball at si Lea sa cheering squad kaya pumunta nadin sila sa kanya kanya nilang destinasyon.




"Gutom lang ako." Sabay ngiti ng tipid sakanya. "Oh ayan pala oh..Taxi!" Tawag ko para di na siya mag usisa pa. Oo, medyo malungkot ako dahil hindi ko kasabay si Kris sa lunch. May usapan kasi kami eh. Kaso yun nga niyaya siya ng mommy ni Violet. Di ko din maiwasang isipin kung pati ba kaya si Kris at Violet ay close. Nagseselos ba ko?


Pumasok kami sa mamahaling resto. Alam ko namang mayaman din ang isang to pero pag nanlilibre siya ay minsan sa tabi tabi lang. Ano kayang sumapi sa kanya at naiisipan niyang dito kami kakain ngayon. Umupo kami sa pwestong pang dalawahan.



"Okay lang ba talaga?" Sabi ni Charles sabay hawak sa kamay kong nakapatong sa mesa.


"Okay lang ako no." Sabi ko naman sabay ngumiti ng tipid. At naalala kong galit nga pala siya nung last na naguusap namin sa facebook. At ngayon lang ulit siya nagpakita.



"Bat nga pala galit ka sakin nung huli kitang nakachat? At bakit ngayon ka lang nagpakita? Sabi ko at inirapan siya.


"Nagpapalambing lang ito naman? Miss mo ko no? Uyyyy" Sabay pisil ng mahina sa ilong ko. Lagi niyang pinipisil ang ilong ko at naaasar ako sakanya. Pero tumatawa lang siya tuwing pinapakita kong naiirita ako sakanya.


"Ihhhh! Tigilan mo nga ko. Kumain nalang tayo." At kumain na kami. Habang kumakain kami ay kwento siya ng kwento ng mga nakakatawa kaya napapahalakhak ako habang ngumunguya. Grabe talaga ang isang to. Kengkoy.



Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan naming pumunta sa mall at mag quantum. Atleast kahit papano naging masaya padin ang araw na to kahit hindi si Kris ang kasama ko. Pero di ko padin siya maalis sa isip ko. Nasanna kaya siya? Anong ginagawa niya? 5pm nadin ng hapon at hanggang ngayon ay wala pa siyang text.

"Vic! Nakatulala ka nanaman jan."

"Wala. May naalala lang."

Hindi pa niya alam na kami na ni Kris. Should I say it? Kasi baka pag nalaman niya sa iba magalit siya. Napagpasyahan ko nading sabihin sakanya. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.


"Charles,kami na?" Sabi ko habang nakatingin sakanya at pinapakiramdaman kung ano ang magiging reaksyon niya.


Nag iwas lang siya ng tingin.

"Tara uwi na tayo." Sabi niya gamit ang malamig na tono ng kanyang boses. Kanina ay napakajolly lang niya pero ngayon ay napakaseryoso na. Tama nga ba ang desisyon ko na sinabi ko sakanya na kami na ni Kris? Mabilis ba masyado? Pero diba eto yung plano namin?


Naglalakad na kami palabas ng mall. Hindi padin siya nagsasalita.



"C-charles. Are you okay?" Nag aalalang tanong ko.



"Okay lang." Malamig padin niyang sabi at di manlang ako tinatapunan ng tingin.



Charles, please wag mong sabihin na may gusto ka padin sakin. Please.



Ng makalabas na kami ay pumunta siya sa isang park malapit sa mall at umupo sa isa sa mga benches dito. Akala ko ba uuwi na kami?


Tinap niya ang space pa sa bench na inuupuan niya. At umupo ako sa tabi niya.


"Anong problema Charles?" Tanong ko sakanya.

"Ikaw."

"A-ako? Why?"

"Nasaktan mo ko....Nasaktan mo akong di mo namamalayan." Sabi niya habang nakatingin sa malayo.



"What do you mean?" Mahinahon kong tanong sakanya.


"I love you Vic...I love you." At sa wakas ay nakatingin na siya sakin.


"Charles naman. Alam mo naman na--"

"Oo Vic. Hindi mo naman kailangan pang ulit ulitin. Di mo na kailangang ipamukha sakin. Mas lalo lang sumasakit eh. Masakit....Dito oh" Sabay tapik sa kanyang dibdib "Akala ko wala nalang eh. Pero ayun. Natamaan nanaman ako. Di ko alam. Nakakabaliw. Nakakabaliw ka."


I was stunned in the moment. Wala akong alam na pwedeng sabihin sakanya. Why? Bakit ngayon niya lang sinabi? Di sana hindi ko kinagat yung deal niya.

"I'm sorry." Tangi kong nasabi.



"No. Don't be sorry. Kasalanan ko din naman to e.." Sabi niya habang nakayuko. "Tyaka okay na. Atleast masaya kana diba?" Nag angat siya ng tingin at ngumiti. Ngunit halata padin sa mga ngiti niyang nasasaktan siya.



"Halika na. Ihahatid na kita. 7pm na pala oh." At tumayo na siya. Tumayo nadin ako at maglalakad na sana pero hinawakan niya ang kamay ko. He intertwined our fingers. Nagulat ako sa ginawa niya.



"Last na to. Please? Let me hold your hand?" Nakita ko sa mukha niyang nagmamakaawa siya. Kaya wala na kong ginawa at sinunod ko nalang siya.



Naglalakad kami pauwi. Habang magkaholding hands. Medyo malayo ang mall sa bahay pero nalakad namin to. Di kami sumakay ng taxi. Siguro dahil para magkasama kami ng matagal? I guess? Gusto ko din naman siya e. Pero hindi kagaya ng pagka gusto ko kay Kris. Sana makahanap siya ng babaeng mamahalin at mamahalin siya. I don't have intentions to hurt him. Pero bakit nasaktan ko padin siya? Naging bulag ako sa pagka gusto ko kay Kris. Di ko alam na may nasasaktan na pala sa paligid ko. Dati palang alam ko na eh. Na may kakaiba sa mga ipinapakita sakin ni Charles pero pinagsawalang bahal ko lang to. Am I bad?




Nakarating na kami sa tapat ng bahay ng muli siyang nagsalita.

 
"Mag ma-migrate na kami sa Germany."


Natigilan ako sa sinabi niya.


"Wh-what?"

"I will be leaving. Pupunta na akong Germany. For good."


"B-bakit?" Pano ang studies mo?"



"Sept. Pa ang pasukan dun so makakahabol pa ako."



Di ako nakapagsalita. Totoo ba to? Mamimiss ko siya ng sobra.



Hinawakan niya ang aking chin at bahagya niya itong inangat. Di ko namalayan na naluluha na pala ako kaya pinunasan niya ito gamit ang kanyang hinlalaki.



Matagal kaming nagkatitigan. Parang menememorize niya ang kabuuan ng mukha ko.


"So.. Goodbye Vic. Always remember....I love you." At hinalikan ako sa noo pagkatapos kinurot nanaman ang aking ilong. Ngumiti siya at naglakad na palayo.




Till we meet again Charles

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon