#35 Huli na ba?

518 40 11
                                    

Nakatulog pala ako sa kakaiyak dito sa likod ng pinto ko, hawak hawak ang puting panyong binigay sakin ni Kris kanina. Sobrang hapdi ng mga mata ko, sobrang sakit din ng ulo ko. Pero hanep! Walang makakatalo sa puso ko. Sakit e. Sobrang sakit.

5pm ng magising ako. Nagshower nalang ako para gumaan ang pakiramdam ko. Pag katapos ko magshower ay nagpalit na ako ng pajama at umupo sa sofa at sinindi ang Tv.

Pero imbes na magfocus sa pinapanood ko, ay nakatuon ang isip ko sa kapit bahay ko na naconfirm ko kaninang si Kris nga talaga. Wow! Tadhana ang galing mo.

May lumandas nanamang luha sa mga mata ko ng maalala yung dalawang babae kanina sa harap ng unit niya, at yung isa pang kasama niya. Ang laki na talaga ng pinagbago niya parang di ko na siya kilala. At nasasaktan ako dahil dun.

Napagpasyahan kong tawagan si Mommy dahil sa mga oras na to kailangan ko ang mga advices niya.

Ilang ring lang ay sinagot niya na to agad. Siguro ay nasa bahay na to.

"Hello my?"

"Oh Victoria Baby. Napatawag ka." Masayang bati ni mommy.

"I just miss talking to you my." Bakas sa boses ko ang lungkot.

"Have a problem baby?" Tanong niya. Siguro nahalata niya sa boses ko.

"Uhmm...Mom..Nakita ko ulit siya." Pinipigilan kong humikbi.

"Sino? Si Kris?" Halata sa boses niya ang pagkabigla. "How long? 3years or 4years? Why baby? Is there a problem?"

"I still love him my. And I don't what to do. Nagsisisi ako kung bakit nakipaghiwalay ako sakanya noon. My..." Di ko na napigilan, napaiyak na ko.

"Talk to him. Kung mahal mo pa siya sabihin mo." Mahinahon niyang sabi.

"How my? Galit siya sakin. Ramdam ko. And he had a lot of girls."

"May mga bagay na dapat sinasabi na ngayon palang, ngayong hindi pa huli ang lahat. Kung di mo nasabi yan habang buhay mong pagsisisihan yan."

"Huli na my. Huli na ang lahat saamin." Hagulgol ko.

"Are you sure? Galit siya kasi nasaktan mo siya. Pero di ibig sabihin na galit ang isang tao ay di ka niya mahal. Pano mo malalaman kung huli na o hindi ka kung di mo susubukan diba? Fight for the love you want baby. Tyaka ka sumuko kung alam mo na ang sagot. Kung huli na ba talaga. Cheer up baby."

"O-okay my. Thank you. You're the best. I love you mommy.."

"I love you too Victoria. Kung may problema ka pa don't hesitate to call or uwi ka dito. I will hang up na okay? Pagod ako. You take care. Alright?"

"Yes my. Babye po."

Napaisip ako sa sinabi ni mommy. Tama nga ba? Dapat ko bang gawin yun? Fight for the love I want? Di pa nga ba huli ang lahat? Sabi nga mommy subukan para malaman.

Okay. I will do it. I will because I want the love of my life back. I want to be with him again. Kahit malabo, kahit alangin ang chance I'll take the risk because I love him.

Tatanggapin ko lahat para lang maipakita ko sakanyang nag sisisi ako sa pang iwan sakanya noon.

Akala ko kasi makabubuti samin yun eh. Akala ko matatanggal din yung nararamdaman ko para sakanya. Pero habang tumatagal lumalala. Iniisip ko tuloy kung siya ganito din. Pero mukhang malabo. Pero kahit na malabo na samin ang lahat lahat susubukan ko padin.

Napagpasyahan kong katukin siya sa unit niya. Makikipag usap ako pero di ko alam kung saan ako mag sisimula. Kainis. Bahala na nga.

Kumatok ako sa pinto niya. Siguro mga 5mins. Bago niya ito binuksan.

Nakaboxer shorts lang ito. At mukhang bagong ligo, dahil naaamoy ko ang shower gel na ginamit niya at bahagya pang basa ang buhok niya. Sobrang bango

Nagulat siya ng makitang ako pala ang nasa labas ng unit niya pero agad ding nagbago ang expression ng mukha niya. Yung gulat naging galit.

Kinakabahan tuloy ako. Shz! Tama ba tong ginagawa ko?

"What do you want?" Malamig na boses niyang sabi.

"Uhmm..C-can we t-talk?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. I'm tense kasi.

"Para saan yan?" Iritable niyang tanong.

"Tu-tungkol sa atin..uhmm tayong dalawa." Hindi ko siya matignan sa mata.

"Sa atin? Tayo? Wala ng tayo. Diba tinapos mo na? Tagal na." Tumawa pa siya ng bahagya. "Bata pa tayo nun. Like what you've said. Infatuated lang tayo sa isa't isa noon.'

"Please. Ngayon lang. Please? Let's talk." Pagmamakaawa ko.

"Okay. Siguraduhin mong interesting yan..." Sabi niya at pinagbuksan na ko ng malaki.

Nakatayo lang ako sa likod ng pinto niya. Di ko alam kung uupo ba ko o ano.

"Janna! Nexttime nalang. May kakausapin ako." Tawag niya sa isang kwarto. So may kasama pala siya.

"Ano ba yan. Nakahubad na ko kanina eh!" Padabog na lumabas ang isang babaeng matangkad at may malaking boobs sa isang kwartong andoon.

"Istorbo. Tsss!" Sabi niya. Inirapan pa ko ata binangga ako at padabog na sinara ang pinto.

"Anong pag uusapan natin Ms. Calibre? Siguraduhin mong importante yan. Dahil sayo, bitin ako ngayong gabi." Sabi niya habang nakaupo sa kanyang sofa.

"M-may posibilidad pa bang magkabalikan tayo?" Tanong ko sakanya.

Tumawa lang ito na parang demonyo.

"It was a long long time ago Victoria. Di ko na nga matandaan eh." Sabi niya.

Parang dinurog ang puso ko sa sinabi niya. Sobrang sakit.

"May posibilidad paba?" Tanong ko ulit sakanya. Tumitig ako sa mga mata niya at nag iwas ito ng tingin.

"Bakit mo tinatanong yan ngayon?" Seryoso na siya ngayon.

"Nag...nagkamali ako sa desisyon ko noon. M-mahal padin kita." Matapang kong sagot sakanya. It's now or never.

"Limot ko na yun eh. Ni hindi ko nga alam kung minahal ba kita noon o hindi." Ngumiti siya. Yung ngiting nakakatakot?

Huli na. Huli na ang lahat. Tumalikod ako at aalis na san ng bigla niya akong tinawag.

"Vic." Mahinahon niyang sabi. Pinahid ko ang mga luha sa king pisngi at humarap sakanya.

"O-okay lang ako. Sinubukan ko lang naman kung di pa ba huli ang lahat eh. S-sorry." Sabi ko. Nakangiti pero umiiyak. Baliw na ata ako.

"Gusto mo ba talagang magkaroon ka pa ng chance sakin?" Seryoso siyang nakatitig sakin.

"Oo."

"So willing ka dapat gawin ang lahat lahat para lang bumalik ako sayo?"

"Oo. Gagawin ko." Nabuhayan ako sa sinabi niya.

"So be my fuck buddy." Sabi niya sabay ngiti ng makatindig balahibo.

"Wh-what?!" Di ko napigilang di sumigaw.

"Oh kala ko ba willing ka? Ayaw mo noon? Mas malapit kana sakin? Magagawa mo ng mapa ibig ako ulit kung sakali." Sabi niya. "At yun lang ang tanging paraan para makalapit ka sakin. Be my fuck buddy."

Di ako nakasagot sa sinabi niya.

"Haha! Pwede mo pa namang pag isipan. Pero hanggang bukas lang ng 8pm ng gabi. Hihintayin kita dito. Kung pumunta ka then pumapayag ka, pero kung hindi, mamamatay yung pag asa mong maging tayo ulit." He grinned at me.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon