Dumaan pa ang ilang mga araw ay mas pinaparamdam pa sakin ni Kris na mahal na mahal niya ako. Palagi siyang sweet sakin. Hindi nadin siya suplado sa ibang babae. Sabi ko naman sakanya na kahit papano wag siyang maging harsh sa mga humahanga sakanya. So I'm glad, binago na niya yung pagkasuplado niya.
Sabado ngayon at napag usapanan naming magswimming sa bahay nila Kris. Bonding daw naman naming lahat ngayon wag daw puro kaming dalawa lang. Kasama namin si Lea, Marie, Vonn, Sheldon, Sanford, Allen at Chrissmon. Nakagaanan nadin namin sila ng loob.
Si Vonn na Badboy
Si Sheldon na silent
Si Sanford na womanizer
Si Allen na Mr. Dimple
Si Chrissmon na Bully
Si Kris na MAHAL KO
Naghahanda kami ni Marie ng barbeque na iihawin namin. Napansin kong mukha padin siyang malungkot hanggang ngayon. Di pa kaya sila nakakapag ayos? Kating kati akong tanungin siya. Kaso ayaw ko namang mangialam ng basta basta.
Si Vonn naman, ay halata ding malungkot at may malalim na iniisip. Nasa may poolside siya at naninigarilyo.
Tumulong naman samin ni Marie si Kris. Nagsimula na siyang mag ihaw ng mga tinuhog namin ni Marie.
"Tang ina mo Chrissmon! Kita mong nagyoyosi ako, babasain mo ko. Lagot ka sakin mamaya!" Sigaw ni Vonn kay Chrissmon.
"Kabusangot ka kasi eh. Ang pangit mo na nga pinapapangit mo pa lalo yang sarili mo. Maawa ka naman sa sarili mo." Sabay tawa at lumangoy palayo kay Vonn.
"Mas gwapo naman akong di hamak sayo." Sabay lipad ng kanyang middle finger sa ere.
"Nagtatalo pa kayo mas gwapo pa ko sa inyong dalawa eh. Sa dimple ko palang talo na kayo eh.Mga ulol!" Sabi naman ni Allen habang nakangiti at pasadyang pinapakita ang malamim niyang dimple.
"Wag kang hangal bro! Mas habulin ako ng mga chikas kesa sa inyo. Tandaan niyong mamamatay kayong virgin." Sabi ni Sanford Sabay tulak kay Allen sa pool. Tumawa siya ng pagkalakas lakas nakahawak pa siya sa kanyang tyan.
Si Sheldon naman. Nakaupo lang at umiinom ng redhorse sa tabi. Alam niyo yung awra ni Rukawa sa slam dunk? Ganon siya. Di kaya napapanis lang layaw nito?
"Pinaka gwapo ako mga gago!" Sabay pogi sign pa. "Diba girlfriend?" Tanong namam ni Kris sakin at kumindat.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima