Special Chapter

815 20 1
                                    

7 years after......

"Oh bro kamusta? Pitong taon ka ding nawala." Natatawang sabi ni Vonn. Kasama ng asawa niyang si Heldaya. Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan ko at naghihintay sila dito sa airport. Ewan ko kung bakit pero di nag katuluyan si Marie at si Vonn. Ang alam ko'y nag asawa na din si Marie.

Andito lahat ng mga kaibigan ko. Si Vonn kasama ng asawa niya, Sheldon, Sanford, Allen, Chrissmon at si Charles. Madami ng nagbago lalo na sa physical appearance ng mga mokong.

"You're a free man again bro. Icelebrate na natin yan!" Sabi naman ng natatawang si Sanford.

Yes. I'm a free man again. Ikinasal kami ni Celine ng nag 1year old ang anak naming si Cindy or I should say anak pala talaga nila ng Ex niya. Galit na galit ako sakanya. Parang ninakaw lahat niya ng kasihayan na dapat ay nadadama ko nung mga panahon na yun.

Nakipag divorce ako sakanya 4months ago. Pinakasalan ko siya, tinupad ko ang sinabi ni Vic na subukan ko siyang mahalin. Kahit mahirap ay unti unti naman akong masaya lalo na pag nakikita ko si Cindy. Nasaktan ako dahil napamahal ako sa batang inalagaan ko ng pitong taon tapos malalaman kong hindi pala ako ang ama ng batang yun. Sobrang sakit sakin na iwan siya. Wala naman akong magagawa. Gusto kong makilala niya ang tunay niyang tatay. Naiintindihan ko naman din yung lalaki. Itinago ni Celine ang totoo. Parehas kaming biktima dito. Siguro kung ako yung lalaki ay hindi ko mapapatawad si Celine sa pagtatago sakin sa anak ko. Kahit masakit ay pumayag akong palitan ang apelyido ni Cindy.

"Ano na bro? Tara na. Maraming malalaking bar dito. Ipahatid mo nalang yang mga gamit mo sa condo mo." Sabi ulit ni Sanford.

"Mga patay gutom padin pala kayo sa alak." Sabi ko at nag tawanan kaming lahat.

Kahit pagod ako ay pinagbigyan ko ang mga kaibigan kong pumunta ng bar. Namiss ko din to. Pitong taon. Pitong taon kong namiss ang kagandahan ng night life ko dito.

Ng makapasok kami sa bar ay pumunta kami sa itinurong spot ng waiter at dumeretso na kami doon. Nag lapag ang waiter ng jack daniel at iba iba pang klase ng alak. Oh well. Wasted akong uuwi nito.

Halos inom lang kami ng inom at nagtatawanan, halatang lasing na din kasi ang mga ito. Inaalala namin yung mga kalokohan namin noon.

"May trabaho pa ako bukas. Pero dahil sainyo aabsent ako." Sabi ko.

"Bakit? Maiintindihan yan ni kuya Top. Wag kang mag alala." Sagot ni Charles.

"Alam mo bang ninong si kuya Top ng mga anak ni Vic?" Tanong ulit niya.

I did'nt know. Basta ang alam ko lang ay nanganak siya ng kambal lalaki at babae. Nagtataka nga ako kung bakit wala siyang asawa o kung bakit wala yung nakabuntis sakanya. That guy must be a jerk. Sinayang niya ang isang napakagandang regalo. Pero ang pinag tataka ko, nung mga panahong nakakasama ko siya ay may boyfriend siya. Pero ang sinasabi ng mga to ay isang beses lang daw niyang nakita ang lalaki at may nangyari sakanila. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko kay Vic kaya hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila.

Iniisip ko, pano kaya kung nagkatuluyan kami? Pano kaya kung hindi naging komplekado ang lahat samin? Siguro ngayon ay masaya kami. Pero ano pang magagawa ko? Nakapag moved on na ang lahat kahit siguro si Vic kaya kailangan ko ng ibaon sa limot ang pag iisip sakanya.

Naalala ko pa noon. 1styear highschool palang ako. Unang kita ko palang sakanya ay alam kong iba na yung pag tibok ng puso ko. Ang corny pero nung mga oras na yun ay naniniwala na ako na kapag nakita mo yung taong mamahalin mo ay mag sslow motion sa paligid. Tang ina nakalabakla mang isipin pero yun ang totoo.

Gusto kong mapalapit sakanya noon. Kaso naunahan ako ng kaibigan ko. Si Charles.

"Ako yung naunang nag kagusto kay Victoria!" Sabi ko sabay suntok sakanya.

"Ako yung naunang gumalaw para kay Victoria!" At sinuntok niya ako pabalik.

"Itinuring kitang bestfriend ko! Pero traydor ka!" Sigaw ko sakanya. "Diba matagal ko ng kinikwento na gusto ko siya ha! Pero bakit nililigawan mo siya!"

Pinipigilan na kami ng mga kaibigan namin. "Ano ba! Tama na! Pag umpugin ko kayong dalawa eh!" Inis na sabi ni Chrissmon.

"Babae lang yan! Si Victoria lang yan!" Sigaw din ni Sheldon.

"Yun nga eh! Si Victoria siya" Sagot ko pabalik sakanila..

"Magmula ngayon Charles! Kalimutan mo ng naging magkaibigan tayo!" Sigaw ko at umalis sa tambayan.

Matapos ng away namin ni Charles ay di na siya sumasama samin. Lumipat siya sa kabilang section. Noong mga panahon na yun ay sobrang saya ko dahil binusted siya ni Vic. Nasabi ko sa sarili kong oras ko na.

Ng sisimulan ko na dapat ang panliligaw sakanya ay nalamam ko ng may gusto siya sakin at proud siya doon. Ako naman ay tahimik lang noong nasisiyahan.

Ng nag 3rdyear kami ay mas lalong tumindi ang pagkagusto niya sakin. She's always giving me chocolates, gifts, loveletter. Naiirita ako sakanya. Hindi naman sa di ako nasisiyahan sa mga ginagawa niya. Pero ang gusto ko ako ang mag effort ako ang gumawa nun sakanya but everytime na sisimulan ko ang panliligaw, gumagawa ulit siya ng pakulo. Palagi niya akong inuunahan. Bat ba kasi di niya ako hintaying gawin ang mga yun e. Minsan kasi nakakalalaki..

Ginawa ko ang lahat para tigilan niya ang ginagawa niya. Ang gusto ko ako ang gumawa.

Ang akala niya pay ay tinatapon ko ang mga binibigay niya. Pero hindi. Itinatago ko ang mga yun. May sarili pa ngang kwarto ang mga yun sa bahay eh.

Isang araw nga pumunta siya sa locker para mag bigay ng loveletter. Nanginginig pa ang kanyang kamay nung tanggapin ko yun. Ang di niya alam binasa ko ng palihim yun nung vacant. Penaxerox ko panga eh. Pinunit ko yun para makita niya. Alam kong umiiyak siya pero kailangan kong gawin to para ako naman.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon